August 2006

New Sport… Arousing!

Posted on August 31, 2006

May bagong sports na ngayon sa buong mundo. Tiyak maraming matutuwa kapag naging official sport na ito, lalo na kapag nasa olympics na ang mga ganitong paligsahan. Magtataasan ang ratings ng mga sports channel kapag pinalabas nila ang mga ganitong patimpalak. Baka ako mag-tune in na rin sa mga sports channel. Walang panama ang mga Wowow at illegal channels dyan. Ano ha?

Fine Dining sa Canteen

Posted on August 30, 2006

Kakatapos ko lang mag-lunch. Hanep itong canteen, kakaiba. Mala-fine dining. Hindi yung lugar at mga klase ng food, yung dami ng servings ang katulad sa mga fine dining restos. Aba, umorder ako ng chicken teriyaki with sautéed in butter corn and carrots, laking gulat ko sa laki ng binigay na drumstick na nilapag sa aming kainan. Huwaw! Fine dining talaga, kakarampot. Kulang na nga lang yung may nakakalat na sauce sa gilid ng manok, at alas, fine dining style servingRead More

Mayon, Suman, Butanding… at si Christian Bautista!?

Posted on August 29, 2006

Nanaginip si Ate Lo, masyadong kakaiba nga eh. Kuwento niya sa akin through chat sa YM:Ate Lo: napanaginipan kitacrost: ngekAte Lo: pumunta daw tayo sa mayon, hehehecrost: magpapakamatay ba tayo?crost: hahahaAte Lo: tapos takbo daw tayo ng takbo kase umaagos na yung lava, tapos lam mo kung sino kasama natin? si yung sa star in a millioncrost: may showbiz na namanAte Lo: oh diba sosicrost: kakatawa naman yang drim mo crost: masyadong kakaibacrost: hahahAte Lo: yung nag revive ng tonightRead More

Fresh and Virgin Lips

Posted on August 28, 2006

Ilang panahon na nga ba akong single. Di lang pala ilang panahon, since birth nga pala ay single na ako. Ewan ko ba sa sarili ko. Hindi naman ako pangit na nilalang para iwasan at matakot manligaw. Hindi naman ako halimaw na nangagain ng tao, nanglalapa siguro pwede pa, Roar! Torpe lang siguro talaga ako, o talagang ayaw ko pang magcommit, ayun sa beloved Tickle survey ko. Mahina pa ang loob ko sa pag-ibig, kaya heto hanggang ngayon ay veryRead More

Boyfriend Material Naman Ako

Posted on August 24, 2006

Isa sigurong dahilan ng pagiging single ko hanggang ngayon ay dahil marami pa akong di alam gawin. Marami naman na akong alam na gawaing bahay, pwede na nga akong mag-asawa eh. Marunong akong magluto ng Lucky Me noodles, may sabaw o kahit pancit canton, kaya ko na. Mahusay na rin akong magpakulo ng tubig, lalo na kung de-sipol yung kettle. Magaling din ako magprito ng itlog, lalo kapag ginawa ko na yung specialty kong crunchy omelette, yung may eggshells pa.Read More

Bobong Karatula

Posted on August 22, 2006

Dito sa Makati, aakalain mo kagad na mga sosyal at matatalino mga tao. Kasi nga business capital nga ito ng ‘Pinas, so sa isip lahat ng mga tao, mga career people, degree-holder at intelihente ang mga nilalang na mga nakatira at nagtatrabaho dito. Hayy, nung kailan lang laking bigo ko kay Binay. Buti na nga lang hindi nakalagay sa Ayala yung karatulang nakita ko, siguro sasalampak sa kakatawa ang mga matataas na nilalang na naninirahan at mga nagtatrabaho dito. BakaRead More

Degree-Holder Housemaid

Posted on August 18, 2006

Hayy! Patapos na ang araw. May sipon pa ring humihigop ng powers ko. Marami pa nga eh. Baka gusto mo, you like ba? Di naman kadiri yun ah, naaalala mo pa ba yung mga panahong nanood ka pa ng Batibot o kaya kapag naglalaro ka sa labas at ginagaya mo si Shaider, kapag tumutulo nga yan dinidilaan mo pa. Green at sobrang lapot pa. Sarap ng uhog di ba? Maalat-alat pa. Mainit nga rin pakiramdam ko, baka pwede ka ngRead More

Panahong Malumbay

Posted on August 18, 2006

Isang linggo na akong naghahanap ng makasama upang maibsan itong kalungkutang aking nadarama. Sa bawat umagang dumarating ngayong linggong ito ay napakabigat sa akin, tila naging bakal at bato ang aking mga kalamnan sa aking paggising. Bagamat ang simula ng linggong ito ay maayos para sa iba, sapagkat nanalo ang aking ina sa EZ2 lotto, maliit man ang nakuha, maganda na rin sigurong simula ng linggo ito. Ngunit nagkamali ako, hindi man pangit ang mga pangyayari, nakakalungkot lang para saRead More

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com