Degree-Holder Housemaid

Hayy! Patapos na ang araw. May sipon pa ring humihigop ng powers ko. Marami pa nga eh. Baka gusto mo, you like ba? Di naman kadiri yun ah, naaalala mo pa ba yung mga panahong nanood ka pa ng Batibot o kaya kapag naglalaro ka sa labas at ginagaya mo si Shaider, kapag tumutulo nga yan dinidilaan mo pa. Green at sobrang lapot pa. Sarap ng uhog di ba? Maalat-alat pa. Mainit nga rin pakiramdam ko, baka pwede ka ng magpakulo ng tubig, 100 degrees na yata. Pero parang lagnat loob lang, o baka init lang ng laman. Nalilibugan lang yata. Pero di rin, wala naman kasi akong iniisip na mahalay gaya ng hubad na katawan ni Bianca King. Di ko iniisip yun, laman lang ng utak ko puro trabaho at mga bagay na gagawin mamaya sa bahay, gaya ng pagbulatlat ng FHM. Pero don’t worry, gagaling din naman ako… Enervon-C lang katapat niyan.

Siya nga pala, baka bukas na dumating ang bago naming kasambahay, HRM Graduate yata. Marunong na kasing magluto. Kahit nasa bahay lang ako laging masarap mga meals namin. Naka-set pa palagi ang dining table namin. Meron pa kaming appetizer, main course and dessert sa tuwing kakain kami. Baka mala-Iron Chef meals mga kakainin namin. Tapos yung mga pangalan ng dishes kakaiba, parang French or Italian na. Yung mga sineserve niya sa amin may presentation na rin, yung mga tipong di ka mabubusog sa hitsura kasi kakapiranggot lang ang mga nakalagay sa mga plato. Ang bawat subo namin ay magrereact kami na parang nasa climax na ng sex, na-achieve na namin ang orgasm! Ayos di ba? Magkano kaya papasweldo namin sa ganung kasambahay, baka mas malaki pa sa salary ko, huwaaah!