Fine Dining sa Canteen

Kakatapos ko lang mag-lunch. Hanep itong canteen, kakaiba. Mala-fine dining. Hindi yung lugar at mga klase ng food, yung dami ng servings ang katulad sa mga fine dining restos. Aba, umorder ako ng chicken teriyaki with sautéed in butter corn and carrots, laking gulat ko sa laki ng binigay na drumstick na nilapag sa aming kainan. Huwaw! Fine dining talaga, kakarampot. Kulang na nga lang yung may nakakalat na sauce sa gilid ng manok, at alas, fine dining style serving na. Sige isipin ko na lang na yung mga mantika ng manok yung sauce na iyun. Pero kakaiba yung drumstick na yun, boneless, pero di siya fillet. Syempre, dahil sa likas kong kabutihan, di na lang ako nagreklamo, anyway, minsan ka lang naman makaranas ng “fine dining” sa isang simpleng canteen at on diet naman ang hibang na ako. Saan ka pa ba makakatikim ng “fine dining” na canteen?

Sana nga ganyan ang kinain ko.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com