Someone To Love

Ang hirap naman ng buhay ko ngayon. Lagi na lang akong nagsosolo. Wala pa kasi akong juwawhooopers, kaya madalas lang akong gumimik mag-isa. Actually, di pa ako nakakaranas magmahal. Ano ba feeling? Parang heaven ba o parang nasa heaven ka na biglang mafa-flatan ang eroplano at babagsak sa lupa. O baka naman suicide ang pag-ibig. Wala pa akong alam kapag tungkol sa love, natututo lang naman ako sa experiences ng ibang nilalang dito sa lupa. Forsaken na yata akong hindi magmahal… Huwag naman! Gusto ko ring makipag-sex… este magmahal. Isipin mo na lang, kapag kakain sa labas, di ko naman pwedeng i-expect ang mga kakosa ko na samahan ako lagi, at least andyan ang girl in shining armor ko to the rescue. Lalo na kapag nalolongkot ako at walang makaosap. She’s just a phone away.

Kailan pa ba kasi nauso na ang lalaki ang nanliligaw? Di ko tuloy malaman kung bakit, malamang dahil sa: a. torpe ako b. ubod lang talaga ako ng gwapo na makalaglag-panty-at-nakaka-wet-sa-unang-tingin-pa-lamang na sex appeal na nakaka-intimidate lalo sa mga kababaihan (tinatype ko ito habang nililipad ng hangin ang building namin). Kasi I’m sure na di ako saksakan ng kapangitan na itinakwil ng langit at impiyerno at pati na sa ibang parte ng kalawakan. Hindi ko pa rin alam kung torpe nga ako kasi hindi naman ako aware na lalaki pala ang nanliligaw sa mga girls. Kung alam ko lang dapat matagal ko ng ginawa. I-a-advertise ko na lang ang ganitong kalagayan ko, since nandito na rin ako sa field na ito.

I’ll leave the thinking to you