Not Another Board Exam Controversy

Let’s get over my love stories and my rants being singles. Newscoop muna sa nasagap kong balita nung kailan.

Maraming bakla ang sumugod sa opisina ng CiBAC (Commission in Bakla Accreditation and Certification) dahil sa kontrobersyang naganap sa Gay Board Exam. Nagkaroon daw ng leakage at dayaan sa nasabing board exam kung kaya’t sila ay napasugod. Ang fabulosong Gay Board Exam ay ang magpapatunay sa mga bakla kung sila nga ay tunay na bakla o hindi. May mga ilang personalidad daw ang nagbayad upang bumagsak sila sa Gay Board Exam, opo, bumagsak at hindi para pumasa. Ang dalawa sa mga kabilang daw sa mga sikat na celebrities na ito ay itago na lang natin sa mga pangalang Pyulu Pascual at Erik Santos. Malaki raw ang ibinayad nila sa mga opisyales ng CiBAC upang bumagsak.

Pagkatapos may mga nakapagpuslit pa ng mga exam papers. At ayun sa mga nasagap naming mga impormasyon ay ganito ang mga nilalaman sa nasabing exam:

1. Kung ikaw ay may chorva, ikaw ay may:
a. Kimberly
b. Chuchunes
c. Cheneling
d. Chuva

2. Ang chorva ay ginagamit sa kimberly. Ang chuchu ay sa cheneling:
a. Ang unang chuva ay trulalu, ang pangalawa ay syongak
b. Ang unang chuva ay syongak, ang pangalawa ay trulalu
c. Ang parehong chuva ay trulalu
d. Ang parehong chuva ay syongak

3. Ang chuchu ay isang:
a. aso
b. chuva
c. tren
d. biatch

Kaya pala ang kapitbahay namin kahapon ay umiiyak at nagwawala sa kanilang tahanan. Pinakinggan ko ang kanilang usapan ng kanilang ina. Ngumangawang dumating ang bakla “Inaaay, hindi ako baklaaa! Huwaah!” Sumagot ang ina, “Bakit anak? Paano mo nalaman yan?”
“Hindi ako nakapasa sa Gay Board Exam! Huwaah!” sagot ng hindi pumasang bakla. “Ganun ba anak? Ok lang yun, next year may exam pa naman, baka dun pumasa ka na. Malay mo next year bakla ka na.”

Haaay, kaawa-awang nilalang.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com