My Life: True to Life?

Nakipagmeeting pala ako kay Mr. Vic nitong nakaraang araw. Tinawagan niya ako through my cellphone, nagulat nga ako kung paano niya nakuha ang number ko. Sabi niya from a reliable source daw. So nagpunta na nga ako sa office niya that afternoon.

Sinalubong niya ako sa office niya with a smile na aabot na sa bunbunan niya. So nginitian ko rin siya na aabot naman na sa aking noo. We sat down na sa table niya. “Ah Mr. Vic, tungkol saan po ba ang meeting natin ngayon? Tungkol po ba ito sa draft ng script na pinadala ko po sa inyo?” nauna na akong magtanong sa kanya. “Hindi ito tungkol dun… we are planning to make a movie of your story?” sagot ng head ng Viva, “But I do like your script, maybe if we finalized that, we could start on it. But let’s not talk about it yet, let’s talk about the YOUR MOVIE, YOUR STORY.” patuloy niya. Nagulat ako syempre, natameme at di ko malaman kung tatambling ba ako o makakapatay ako ng tao, hindi ko alam na meron din pala na magkakainteres sa walang kwenta kong buhay. “Mr. Vic, I’m overwhelmed. Pero bakit ang buhay ko pa ang gagawin nating movie… walang kwenta ang buhay ko, ano makukuha mong istorya sa isang taong halos magkakalyo sa puwet sa maghapong kakaupo sa harap ng computer?” sagot ko sa kanya, “ang tanging adventure ko lang naman sa buhay ko ay ang pag-upo ko sa trono sa aming banyo… at kapag nag-iisa ako sa kwarto habang nagbabasa ng FHM.” “Oo nga alam ko naman yun, pero alam mo naman sa mundo ng takilya, nagkakaroon ng konting pagbabago.” sagot ni Mr. Vic. “Magkakaroon ng konting pagbabago?” tanong ko sa kanya. “Oo, konti lang naman, bababa ka sa helicopter ladder, tatalon ka mula sa tuktok ng Daranak Falls pababa, car chase sa kalsada ng Valle Verde, tatambling habang kinukuha mo yung baril sa sahig, at magsasakalan kayo ng kalaban niyo sa gilid ng bangin.” ang galak na galak na sagot ni Mr. Vic. “At kailan ko naman ginawa yun sa tanang buhay ko?” ang tanong ko uli sa nahihibang na producer ng Viva. “Ayun nga yung konting pagbabago na nangyayari sa pelikula.” ang biglang sagot ng producer.

So magiging maaksyon pala ang buhay ko, akala ko pa man din komedya o kaya drama na ang kwento ng movie ko, kung porno nga siguro laking tuwa ko pa. “So what do you think Billycoy? You know I won’t take no for an answer” ang sabi ni Mr. Vic habang ang kaluluwa ko ay naglalakbay sa astral plane at malapit ng maabot ang nirvana ng wet dreams. “Ah ok, sige, yan ang sabi mo eh” napilitang sagot ko, “but for one condition…” patuloy ko. “Ok, what’s that?” sagot ng producer. “Sa akin manggagaling ang title, whether you like it or not.” confident na sagot ko. “Ok, what do you have in mind?” tanong ulit ng makulet na produ. “The Arousal of Billycoy!” ang uber confident na reply ko sa question niya. “Baka naman pagalitan tayo niyan ni Laguardia, mahalay yata yung title mo” ang sabi ni Mr. Vic. “Mabuti na yun, kaysa naman sa ‘The Erection of Billycoy'” sagot ko muli. “Ok, so we have a movie then” galak na sambit niya. Nag-shake hands kami at he expected another meeting soon para sa casting and story conference.

I also made drafts na rin para sa movie poster ng movie ko.

I chose the layout horizontally, but some say it looks better vertically.