Now Salivate!!!


Sa mga nakatira sa US malamang nakita niyo na ang ad na yan during the Superbowl Season,.Galing ng TV ad ng Burger King sa US. Siguro kung pinalabas yan dito tataas ang bumababang sales ng Burger King dito sa ‘Pinas. Artistic and creative ang ad. Pero every work of art may meaning, subliminally. Kung artist ka or enthusiast ka, alam mo dapat yan. At isa nga ako sa kanila, so I have an analysis of this TV ad. Heto ang investigative analysis ko sa TV ad ng Burger King na Whopperettes:

Burger Patties. Masarap ang patties nila, juicy and grilled to perfection. As the TV ad suggest, ang patties nila ay gawa sa karne ng tao. Yup. giniling and grilled to perfection. Sarap ng Double Whopper!

Mayonnaise. Isang ingredient na nagpapalinamnam ng Whopper. Yun nga lang mataas ang calories at fat content, you know why? Gawa lang naman siya sa mga taba ng tao, or yung adipose tissue. Mmmm yummy. Extra Mayo sir?

Ketchup. Siguro di ko na kailangang pahabain pa kung saan gawa ito, kulay pa lang alam niyo na kung saan gawa ito. Dugo! Dugong nilagyan lang ng suka at asukal para lumasa at mawala ang lansa.

Cheese. Isa sa addictive content ng mga burgers, optional naman ito sa Whopper. Ang cheese gawa sa cow’s milk, pero sa Burger King, hindi, gawa yan sa mammary gland ng tao!

Veggies (onions, tomatoes, lettuce). Fiber sa burger. Pampahealthy kuno. Fresh naman yan, nothing to worry about the veggies’ freshness. Yung mga fertilizers lang naman ng mga gulay niyan ay gawa sa mga lamanloob ng mga tao. Hindi naman kasi pwedeng isama sa burger patty kaya, ilagay na lang sa fertilizers.

Burger Buns. Ang mga tinapay gawa yan sa wheat and plants alike. Well, ang mga taniman lang naman ng mga yan ay ginagawa ring tambakan ng mga bangkay ng kung anu-anong krimen; salvage, rape atbp. Minsan nga naaagnas na mga cadavers dyan kasi di na makita gawa ng matataas na halaman.

Yan lang naman ang sangkap ng masarap na Whopper ng Burger King. Nakakapanglaway di ba? Kakagutom. Kain na. Ako oorder na nga ako ng Double Whopper plus cheese with extra mayo!