Quickie Meals

Ngayon, siguro kailangan ko namang i-share ang mga natutunan kong mga recipe sa culinary school nitong nakaraan. Masyado kasing kaengga-engganyo ang mga natutunan ko kaya I can’t wait to share it. Mga pwede mong ihanda kapag may mga biglaang bisita sa inyong tahanan sa maigsing panahon lamang. So let’s start cooking, doc.

Crunchy Omelette

Ingredients:
2 big eggs (pwede na ang 1 ostrich egg or 1 itlog ng dinosaur kung may makita kayo)
1 onion
1 tomato
1/2 cup of evaporated milk
oil (mineral oil, coconut oil, olive oil, sesame oil, baby oil, oil of olay, efficascent oil, o kahit ano pang oil)
salt (iodized salt, rock salt, kung wala shabu na lang ang ilagay)
Surprise ingredient (basahin niyo na lang sa instructions kung ano ito)

Instruction:

  1. Batiin ang itlog, say hello to your egg. Ihalo na rin ang evaporated milk Lagyan ng asin para magkalasa.
  2. Ilagay ang mantika sa mainit na pan, para malaman kung mainit na ang frying pan, maaaring dilaan para sigurado. Kapag namanhid ang dila mo, mainit na iyun!
  3. I-tsek kung mainit na ang mantika, ibuhos sa katawan, kung nalapnos ang balat mo, mainit na nga yun.
  4. Ilagay mo na ang binating itlog.
  5. Ilagay mo na ang sibuyas at kamatis habang di pa tuluyang nabubuo ang itlog. Kung tinatamad kang maggayat ng gulay, ilagay na lang sila ng buo kasama ang balat.
  6. Heto na ang surprise ingredient natin; ihalo mo ang dinurog na eggshell sa inyong omelette. Yan ang magpapalutong sa inyong masterpiece. Kung di kayo makuntento sa lutong ng inyong omelette, maaari kayong maghalo ng dinurog na salamin o ng graba sa inyong itlog.
  7. Maaari mo ng ihain sa hapag-kainan with matching presentation pagkaluto, enjoy habang mainit pa!


Ol’n noin (Ol-in-won) Shake

Ingredients:
Appetizer Meal (Soup or Salad of your choice)
Main Course Meal (Kung anumang ulam meron kayo pwede na)
Dessert (Mga minatamis at panghimagas)
Cup of rice
Beverage (juics, softdrinks, bahala na kayo)
Ice Cubes or Tubes

Instructions:

  1. Ihalo lahat ng ingredients sa isang blender. I-blend hanggang sa maging likido ang lahat. Sumayaw at kumanta ka muna ng “Careless Whisper” habang di pa tapos ang inyong pagbleblend.
  2. Ilagay sa mataas na baso at Walla!!! May kanin-baboy… er… Ol’n Noin Shake ka na. Mainam ito kapag ikaw ay laging nagmamadali, mabilis na lang ang mga meals mo. Enjoy your shake!

Ayan ang mga pagkaing masarap ipanghanda sa inyong mga bisitang pabigla-bigla. Walang kahassle-hassle sa pagluluto at mabilis lang lahat. Kung ano lasa, it’s for you to know.



ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com