The Hot Seat


Hindi ko akalain na mayroon na rin pala akong mga tagasubaybay. Meron na kasing nag-interview sa para sa isang spreadsheet. Aba! Hindi ko akalain may mag-iinteres sa walang kong kwentang buhay. May nag-set ng appointment na babae sa akin for interview, since maluwag naman ang oras ko, i let her. Heto pala ang mga nangyari sa interview:

Q: Hi Billycoy, natagpuan ka na rin namin. Bakit ba ang hirap mong hagilapin?
A: Ay ganun po ba? Hindi ko alam na mahirap pala akong hanapin… kasi nagkakalat lang naman po ako dyan sa mga kanto-kanto, sulok-sulok, tabi-tabi, at mga kalsa-kalsada. May pagka-gremlins po kasi ako, kapag nababasa, dumadami.

Q: Willing ka daw magbold sa pelikula?
A: Yap, willing naman talaga akong maghubad, wala akong kiyeme dun. Kaso hindi willing ang mga producers na maghubad ako, kasi hindi na raw magiging porn or sexy movie ang lalabas, baka maging horror movie pa daw.

Q: Aba uso naman ngayon ang horror movies, ini-export pa nga mga asian horror movies sa hollywood di ba?
A: Hmm, I never thought of that. Sige suggest ko yan kay Mr. Vic. I like how you think!

Q: Kung bibigyan ka ng chance na maging kuneho, ano ang gagawin mo?
A: Siyempre popoy to the max na ako. Aba, ang mga kuneho kaya ay mga malilibog na hayop, itabi mo lang ang male rabbit sa female na kuneho, popoy na kaagad yan. Kaya nga rabbit ang symbol ng playboy eh.

Q: Siguro kailangan ko munang dumistansya ng konti sa iyo.
A: Naku huwag kang mag-alala, hindi naman ako nalilibugan sa hitsura mo.

Q: (Medyo nakasimangot) So… ano pala mga pinagkakaabalahan mo sa mga panahong ito?
A: Of course, dedicated pa rin ako sa trabaho ko. Bukod sa pangungulangot ngayon, wala na… ay meron pala itong interview mo.

Q: Napag-alaman namin na mahusay ka raw magluto?
A: Yap, totoo yan. Nag-aral din kasi ako sa culinary school, dun ako natutong maging mahusay na cook. Lahat nga ng mga napagbigyan ko walang masabi sa mga lutuin ko. Sayang nga hindi sila makapagbigay ng testimony sa mga luto ko, kasi lahat ng napagbibigyan ko, kung hindi nasa coma ngayon ay misteryosong namamatay.

Q: Paano ka pumatay ng ipis?
A: Kapag nakikita ko sila sa lababo, binubuhusan ko sila ng domex o kaya ng joy. Nakakatuwa kasi kapag tinitingnan silang kumakawag-kawag at nahihirapan, hanggang sa maglabas sila ng kakaibang fluid sa pwetan nila at yun mamamatay na.

Q: Ang mga bulate sa lupa sumasayaw kapag binuhusan mo ng asin, ang bulate ba sa puwet ganun din?
A: Ah, depende naman yan sa mga taong pinaglalagyan nila, kapag yung tao mahilig pumapak at kumain ng asin, hindi na yan mangingisay o sasayaw, pero kung hindi naman, maaari silang mangisay kapag nilagyan mo ng asin.

Q: Ganun pala yun. Ang mga langgam, paano mo malalaman kung lalake o babae?
A: Sus, hindi mo ba alam yun? Ang mga langgam kasi may mga anim na paa, pero ang di alam ng karamihan yung may mga anim na paa, babae ang mga yun. Ang mga lalaking langgam naman may pitong paa, ang ikapitong paa, nakalagay dun sa gitna ng mga huling paa.

Q: Bakit ba tungkol sa mga insekto ang mga tanong ko sa iyo?
A: Mukha ka kasing insekto kaya ganun yun (laughs), joke lang yun, kasi ang totoo, mas malala pa ang hitsura mo dun!

Binato niya sa akin itong notepad niya at umalis na lang bigla. Sayang at hindi ko naitanong kung anung spreadsheet lalabas ang interview na ito. Hindi ko rin tuloy naipakain sa kanya ang mga luto ko, siguro papadala ko na lang ito sa bahay nila.