Career of the Champ

Sa Linggo na ang laban ng ating pambansang champ na si Manny Pacquia. For sure, tatadtarin na naman ng advertisement at logos ang kanyang mga trunks at mga kasuotan. Kulang na lang yata lagyan ng TV ang trunks niya, o kaya gawing billboard na lang ang mga damit niya. Milyun-milyon na naman ang kikitain niya, manalo man o matalo. Pero sana manalo siya sa laban niya kay Morales. Ang dami na niyang nagawang pagbabago sa buhay nilang pamilya dahil sa pagboboksing niya. Aba, sa advertisements pa lang, sandamukal na, milyon na ang kinikita niya. Nariyan na ang McDo, Alaxan, No Fear, WOW magic sing, San Miguel Beer, Burlington ba o Darlington, ah basta ang dami na niyang produktong binebenta.

Pati nga pelikula pinasok na rin niya, tapos yung life story niya pa. Meron pa siyang album. “Para sa iyo, ang laban na ito…” Aba pati pagkanta kinakarir na, kaya kinuha rin siya ng WOW para mag-endorse, counterpart ni Regine. Kailan kaya sila magduduet? Kung may Paris Hilton sa Hollywood, may Manny Pacquiao naman sa ‘Pinas. Overexposed celebrity na rin si Pacman. Isa na lang ang kulang sa kanya, sex scandal. Sana mapag-isipan niya ito, boost din yan sa career niya. Panahon na rin siguro para pasukin ni Manny ang Hollywood, o kaya agawin niya kay Daniel Craig yung role ni James Bond, anyway marunong naman na siyang mag-english ngayon.

“One San Mig, inalog, not hinalo”

Nakapagtayo na rin ng sabungan at sariling boxing training gym. Naghahandle na rin siya ng future champs sa boxing. Maganda rin ang pinapatayo niyang bahay. Malaki at malawak. Maraming karangalan na ang nagawa ni Manny di lang sa kanyang pamilya, kundi pati na rin sa bansa natin. Nitong kailan lamang nanganak na rin si Jinky, ang kanyang asawa, ng isang baby girl. Maganda ang kanilang baby, nagmana kasi sa ina. Mabuti nga’t hindi naging kamukha ni Pacman kung sakali ganito hitsura niya paglaki:
Baka magkaroon pa silang mag-ama sa paglaki ng bata:
“Daddy, I have something to tell you.” sabi ng bata. “What is the telling you?” tanong naman ni Pacman. “I wanna be a beauty queen!” ang excited at nangingislap na sagot naman ng bata. “@#*&$@*%#!!!! Ano ba yang pinagsasasabi mo bata ka!? Magboksing ka na lang. Hindi bagay sa iyo ang maging beauty queen. Sige kunin mo na ang gloves mo start na ng training mo ngayon!”

Oi Manny, joke lang. Boto at pusta pa rin ako sa iyo, anuman mangyari. Baka mamaya paglabas ko pabugbug mo na lang ako. Go Manny! Manalo ka dapat!!!