Population Control: A Must for Our Country

Ang Pilipinas ay merong populasyong 89,468,677 (July 2006 est.) at may growth rate na 1.8%. Panahon na para sa mga birth control pills at kung anu-ano pang sina-suggest ng DoH. Kaso tutol naman ang ating simbahan sa mga ganitong paraan. Meron pa namang ibang paraan para makontrol ang ating populasyon. Heto nga at may nakita na akong another way para population control, hindi naman na siguro pagbabawalan ng simbahan ito. Saka for sure magiging mabenta ito, kasi ipapalabas pa sa TV. Akmang-akma pa sa panahon na uso ang gameshows at mga nangangailangan ng pera. Mga hapon ang nakaisip ng ideyang ito, at talaga namang pinapalakpakan ko sila sa ginawa nilang ito, malaking tulong ito sa ating bansa, lalo na sa pagkontrol ng paglobong populasyon ng mga Pilipino. Calling ABS-CBN, GMA-7, ABC 5, RPN 9, IBC 13, NBN 4 at Karera TV, bili din kayo ng rights nito para rin sa sambayanang Pilipino. Kaya niyo ngang bumili ng royalty ng Big Brother, Philippine Idol saka Philippine Next Top Model, heto pa kayang galing sa bansang japon, since uso na rin mga asianovelas.

Meron din namang pambata rito para malaman na nilang maaga ang tungkol sa kahalagahan ng safe sex at maaga pa lang ay makontrol na natin ang ating populasyon

A Very Pambata Ad

Dapat habang maaga pa lamang ay masolusyonan na natin ito, unless gusto natin sakupin ANG BUONG DAIGDIG!!!