Time to Go?

Babala: Ang post na ito ay napaka-emo, at baka sa sobrang ka-emohan kayo na ang mag-emo at tuluyang magpatiwakal!

Maging sino ka man,

Paalam sa iyo malufet na daigdig, nang dahil sa iyo naging magulo na parang bulbul ang buhay ko. Paalam sa iyo aking cellphone dahil kadalasan kahit buong araw kitang iniiwan sa bahay ay wala akong narereceive na text galing sa mga kaibigan. Paalam na sa iyo Globe Advisory, dahil tanging ikaw lang ang nakakaalalang magtext sa akin. Paalam na Shirley 1.5, aking PC, kahit na ubod ng kupad ang iyong dial-up connection binibigyan mo pa rin akong makasilip sa mga porn sites. Paalam na sa aking kama lalo na sa aking bedsheet na halos tumatayo na parang nalagyan ng almirol sa sobrang tigas. Huwag mo ng itanong kung bakit, sabihin mo pa mahalay ako. Paalam na rin mga FHM mags ko, bagamat ang mga pahina mo ay nagdidikitan na at alam naman naming lahat kung gaano kalufet ng editing ng mga pictures sa loob nagagawa mo pa rin akong mapasaya sa tuwing ako’y nalulumbay.

Paalam na aming salamin dahil sa iyo ko lang nakikita ang napakagwapo at ubod ng lakas ng sex appeal ng aking mukha. Paalam safeguard sa patuloy na germ-killing action mo, na kahit sa kamatayan ko ay siguradong germ-free pa rin ako. Paalam na sa kunsensya ng aking ina na nag-uudyok na bumili ng Safeguard na pangsabon namin. Paalam Nivea Oil Control Facial Wash dahil pinapanatili mong oil-free ang aking mukha at naiiwasan na namin ang kolesterol sa aming hapag-kainan.

Paalam na sa mga naggagandahang mga binibini at dilag dahil hindi man lang kayo lumalapit sa akin kahit alam kong dead na dead kayo sa good looks ko. Paalam na sa mga inutangan ko kasi ngayon sure na akong di niyo na ako sisingilin. Paalam na sa inyo Red Horse, malamig na GranMa at Strong Ice na laging nagbibigay sa akin ng sakit ng ulo sa paggising ko sa umaga.

Paalam Pilipinas dahil mahirap ka at mayaman ako! Paalam sa internet dahil sa iyo dumudugo na ang utak ko sa sandamakmak na impormasyong binibigay mo. Paalam Jolens, lalo na kitang naging crush ngayon dahil sa sobrang igsi ng buhok mo. Paalam na sa mga fans ko, kung meron man, dahil fans ko kayo.

Paalam masamang Earth DAHIL HANGGANG NGAYON DI MO PA RIN AKO BINIBIGYAN NG MALUFET NA GIRLFRIEND!

Paalam na, wawakasan ko na ang aking buhay gamit nitong bolpen na hawak ko o di kaya gamit ng laway ko. Hindi na lang ako magsasalita hanggang mapanis ang mga laway ko at malason ako. Kaso…

Hindi ko pa napapanood ang Happy Feet, baka sa IMAX kami manood so hindi ko muna wawakasan ang buhay ko saka na lang o hindi na lang…

Ang sarap kayang mabuhay lalo’t masasarap ang ulam namin.

Hoping for your kind consideration.

Thank you.

Ang sawi,
Billycoy