The Great Pretenders

“Why was I born handsome instead of rich?”
-galing sa T-shirt na mabibili sa Robinson’s Department Store na hindi ko nabili kasi naubusan.

Ngayon ko lang na-realize na marami na talagang mapagpanggap sa panahong ito. Yung mga taong hindi mo inaakalang mga nilalang mayroon silang bagay na wala sa iyo. Kaya nga kataka-taka na sinasabi nating ang ating bansa ay mahirap pero halos lahat naman yata ng luho meron tayo, gaya ng cellphone at kung anu-anu pa. Meron pa ngang nakatira sa mga squatters area na naka-aircon. Pero meron talagang magugulantang ka kapag talagang di mo inakala na meron sila nung mga ganung bagay.

Ilang buwan na ang nakakaraan, sumakay ako ng dyip. Umupo ako sa harap kasi yun ang fave spot ko sa mga dyip, lalo’t yun lang ang may part na may mirror. I love to strike-a-pose in front of mirrors, and that’s my weak spot. Mabalik sa usapan, yun nga nakaupo ako sa harap ng jeep, may katabi akong girl, hindi ko naman siya gusto o ano, lalo’t karimarimarim ang kanyang hitsura. Meron siyang Samsung na clamshell, nakita ko yun kasi katext niya yata ang boyfriend niya na sure akong kakasuklam din ang hitsura. Pagkatapos heto, maya-maya, may tumunog, MP3 ang ringtone. Akala ko dun sa katabi ko kaso hindi niya sinasagot o anuman. Maya-maya may kinuha si manong driver dun sa dashboard, may lalagyanan ng cellphone dun, at nilabas niya ang kanyang Nokia 7610!!! Yap, si Manong Driver naka-Nokia 7610, aba daig pa ako. Although, mas mura na siya ngayon, pero worth 8K pa rin yun. Wala naman sa hitsura ni manong na kaya niyang bumili nun.

Pero heto pa mas malufet. Kaso wala ako dito, yung pinsan ko ang nakakita. Noong Saturday, nagpunta sila ng mom ko sa Paco to buy a double-deck bed. May nakita si Kuya, buko vendor, meron siyang earphone, so inakala naman ng pinsan ko yung mga tsipipay na FM radio, Mp3 player or yung iPud (imits ng iPod). Maya-maya nilabas na nitong buko vendor, siguro maglilipat ng istasyon o skip ng kanta… Aba ang lintek, naka-PSP (Playstation Portable). Tinitigan ng pinsan ko at sinipat kung totoo ba yung nakita niya o baka nabagsakan lang siya ng kama, kaso PSP talaga. Walanghiya, Php 15,000 na PSP meron si buko vendor, ilang buwang sweldo ko rin yun bago ako magkaroon!!!

Hoy mga mayayamang nagpapanggap na mahirap, lumabas na kayo. Aminin niyo na lang na mayaman kayo!

Kaso ganun talaga, hindi lahat mae-expect mo sa hitsura nila. Ang dami na talagang mayamang nagpapanggap na mahirap, parang ako. Baka sa susunod heto pa ang makita ko:

  • Basurerong nagba-blog gamit ng kanyang MacBook Pro
  • Magboboteng naka-Havaianas na flip-flops
  • Pahinanteng may TechnoMarine watch
  • Labanderang may Bulgari na jewelries
  • Pulubing may LaCoste na shoes
  • Grease People na may iPod Video
  • Barker na merong Blackberry
  • Pulis na may malaking tyan

Ok, yung huli madalas na nating makita yan, walang duda at hindi na bago, bakit ba, gusto kong isulat! Pero heto lang ang ating tandaan, “Don’t judge the book by it’s cover because Joey Marquez is not a book.” Ok?