Unleashing the Poet

I am so inspired kung kaya’t ako’y napasulat ng tula. Sobra talaga akong inspired kaya’t kailangang i-share ko sa inyo. Very special person kasi ang pinanggalingan nitong inspirasyon. Kung sino ang special someone ko, syempre sino pa ba, kundi ako. Wala naman na akong pwede akong paghugutan ng ganitong inspirasyon kundi sa akin lang. So here it goes:

Katulad ni Billycoy
by: Billycoy

Katulad ka ng tae
Hindi mapigilang ilabas
Sa puwet nangingiliti
Hindi tuloy kami mapakale

Katulad ka ng ipis
Nagkakalat ng mikrobyo
Dulot ay sakit na labis
Ilan ba ang iyong puyo?

Katulad ka ng AIDS
Sakit na nakakahawa
Sickness from getting laid
Masarap naman yun di ba?

Katulad ka ng droga
Nakakaadik kapag sumobra
Ang isip ay nawawala
Nakakahigh ka na talaga

Katulad ka ng baboy
Tunay na ikaw ay mahalay
Kapag sa iyo lumalaboy
Utak ko’y nagiging high

Katulad ka ng sipon
Nakakainis at malagkit
Ilagay sa tissue at itapon
Pero sa isip ko ika’y kumakapit

Katulad ka ng utot
Kumakalat ang baho
Sobra ang iyong bantot
Tinitiis ang amoy mo
Katulad ka ng basura
Sa kalsada nakakalat
Napakasakit sa mata
May amoy na kumakapit sa balat
Katulad ka ng surot
Nangangagat, namemeste
Kami’y iyong hinaharot
Pero sa amin ‘kaw ay swerte

Yan po ang aking obra maestra. Pinaghirapan ko ng husto yan at talagang kumalat ang utak ko sa paggawa ng tulang yan. Dapat magustuhan niyo yan dahil kung hindi lagot kayo sa akin!

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com