The Legend of Defecated Underwear

Babala: Ang post na ito ay napakahaba, kung kaya’t bumili muna kayo ng popcorn at softdrinks. I-ready niyo na rin pala ang 3D glasses at isipin niyo na lang nasa IMAX kayo ngayon. Kapag tinatamad kayong magbasa, i-close niyo na lang ito at magsurf na lang sa mga pornsites o kaya ituloy niyo na lang ang trabaho niyo!

Nagwet dreams ako kaninang umaga. Hindi ko muna pinalitan ang brip ko. Naghilamos muna ako saka dumiretso sa lamesa upang mag-almusal. Pandesal ang tinapay tapos pinalamanan ko ng strawberry jam at peanut butter, peanut butter jelly sandwich. Sa pagkagat ko ng malutong na pandesal, matinding sakit sa aking ngalangala ang nadama ko. Syet, di pa rin nawawala ang burn ng kinain kong Lasagna sa French Baker kagabi. Habang tinitiis ko ang sakit ng malutong na crust ng pandesal, nagkaroon ng water effect ang paligid at bumalik ang aking alaala noong kabataan ko.

Tuwing tinatanong ako ng mga magulang ko kung ano ang gusto ko paglaki, lagi ko noong sagot “WAITER!” Tapos tatawa naman sila. Sa kamusmusan ko pa noon, naglalaro kami ng toy soldiers, syempre kailangan namin ng pebbles pambato para matumba yung mga tau-tauhan, pagdampot ko ng bato, may poopoong basa ang kasama, yakk talaga! Umuwi ako kagad, saktong tanghalian na, tinawag ako “Billycoy, kain na!” sabi ng aking ina. “Teka po, may tae sa kamay ko, hugas lang ng kamay.” sagot ko naman. Nice timing di ba?

Hanggang sa mag-aral ako sa isang private pre-school dito sa amin, nagbago na ang pananaw ko. Ninais ko nang maging duktor. Ewan ko ba, biglang nagbago, parang nauntog yata ako at sinapian ni Dr. Doogie Howser, M.D. Hanggang dumating sa grade 1, nag-aral ako sa isang pribadong katolikong paaralan sa Maynila. Ayun ang panahong sumikat ang ADHD monster na si LA Lopez at kinakanta niya pa “Tandang-tanda ko pa noong maliit pa ako…Eh Kasi Bata” Syet, ayoko ng maalala yun, sumpain sana ang LA Lopez na yan. Mabalik ako, sariwang-sariwa pa sa akin ang baho ng taeng nabubulok sa aking salawal sa pag-aaral ko noon dun sa pribadong paaralang katoliko sa Maynila. Isang beses sa isang taon nangyayari sa akin ang ganoong phenomena na tumagal hanggang 2nd year highschool. Noong grade 4, nalipat ako sa creme section or kung sa ibang school ay section 1. Hindi ko nais, pero sadyang matalino talaga ako.

Doon din ako nag-highschool, doon ko naranasan ang JS na walang kasamang babae. Hiwalay kasi ang building ng girls sa boys, hiwalay din ang mga programs. Kaya nga siguro virgin pa ako hanggang ngayon. Kapag mayroong disco doon sa aming gym, hanggang 9pm lang at may mga nakabantay na madre sa aming pagsasayaw. Lintek! kaya nga disco, tapos hanggang 9pm. Kakasimula lang ng disco ng 6pm, tapos 9pm tapos na?! 3 oras?

Dumating ang kolehiyo sa aking harapan. Inalok pa nga ako ng aking uncle na mag-aral ng Medicine sa UP Diliman, kaso tinanggihan ko, ayokong mabulok ang virginity ko within 5 to 10 years na pag-aaral. Kaya nagtake ako ng Fine Arts major in Advertising somewhere sa Taft Ave. Naunang nagtapos ang mga kaklase ko ng ilang buwan kasi naman noong first year ako binagsak ako ng babaluga kong professor na nangingikil para lang pumasa sa subject niya. Buti na lang hinagis na siya palabas ng school. But the damage is done, nagkagiyera na ang mga subjects and schedules ko. Nahuli ako ng dalawang sem sa aking mga kaibigan at mga kaklase. Hindi na ako nagmartsa tinamad na kasi ako saka may trabaho naman na ako. Pero kasama pa rin ako sa yearbook na hanggang sa ngayon ay di pa rin napapublish at nakukuha.

Ngayon graphic artist na ako sa isang design studio dito sa Makati. Natuto na rin akong mag-strut ala Male Fashion Model. Ang kalsada ang aking catwalk, tapos kapag humihinto ako, kulang na lang ang camera para kuhanan ako. Nakalimutan ko na ang aking pangarap na maging waiter. Yun ang aking calling, nararamdaman ko. Dama ko kasi ang magsabi sa pintuan ng “Good morning/afternoon, sir/ma’am” saka ng “Thank you for coming, please come again!” Perfect ko ang mga katagang yun. Hanggang sa makilala ko si Mang Tibur sa ilalim ng LRT EDSA station. Siya ang nagsabi sa akin na “There is one thing more important than dreams, SEX!” Tama nga siya!

Natupad ko na rin ang aking pangarap na maging waiter, salamat sa Diner Dash 2, at natupad ko na ang aking calling. Nagawa ko na nga ang aking ultimate dream, ngunit di pa rin ako masaya kasi virgin pa rin ako.

Nagkaroon ulit ng water effect sa paligid at nandito ako muli sa dining table. Nakatatlong pandesal na pala ako at lintek masakit pa rin ang ngalangala ko, may kaong pa sa brip ko… at wala pa rin ang yearbook namin!