Season of Gifts

“Ngayong pasko, ngayong paskoooo
Mabuti na ang buhay niyoooo
Mangarap ka ngayong paskooo
Isipin mo na kaya niyooo”
Manny Pacquiao, pasyon nya para sa araw ng pasko

Ilang araw na lang at magpapasko na. Nagkalat na sa mga bars, resto, pools, at sa mga kalsada ang mga christmas parties, reunion at kung anupaman. Ngunit alam kong may problema kayo ngayong pasko. Nava-vibes ko yun, ganun kalakas ang powers ko. Oo alam kong pinansyal may problema kayo, pero di naman yun ang tinutukoy ko. Problema sa math, wala akong pakialam dyan, at kahit yan di ko kayang solusyunan at wag niyo kong tanungin ng tungkol sa arithmetic baka puksain ko kayo dyan sa kinakaupuan niyo.

Pinoproblema niyo this season ang mga ireregalo niyo. Aba, hindi biro ang pagreregalo, madugo sa ulo pati na sa bulsa ang pagbibigay nito. Isa sa rason ng pagkalat ng mga utak yan. Very stressful ang pag-iisip kung ano ang magandang pangregalo. Mabuti na lang nandito si Billycoy para mapadali ang pag-iisip niyo. I-ready niyo na ang lapis/bolpen at papel niyo, kung wala kayo nun, pwede na rin ang uling at spraypaint at isulat niyo na lang sa pader. Pwede ring isulat niyo na lang sa dugo. So get ready for my tips.

  • Magandang ibigay ito sa mga exchange gifts kasi may certain amount na kailangan. Let’s say ang required price ng exchange gift ay P 300. Madali na lang yan, bumili kayo ng picture frame, seiko seiko wallet ang wallet na maswerte or kung anupaman na worth P 50. Heto ngayon ang trick dyan, Ipa-wrap or bumili ng gift wrap na worth P 250, for sure na maganda yun, since uso na ang magagandang gift wrap ngayon, dun na lang kayo bumawi, malas lang ng napagbigyan niyo kapag sinira niya ito!
  • Siyempre pinahirapan kang mag-isip ng pang regalo papayag ba kayong hindi makabawi. It’s payback time. Magregalo ng isang sakong bigas, o di kaya mga weight plates, barbells or dumbells. Tingnan ko lang kung di ka matuwa sa hitsura nila kapag inuwi na nila yun.
  • Heto bagay naman sa mga nakakasulasok na mukha. For sure na matatawa ang pagbibigyan mo kapag binigay mo na ito. Magregalo ka ng mirror sa kanya at kapag nabuksan at nakita na niya ang sarili niya dito, matatawa siya sigurado. Pero mag-ingat lang, hindi lahat ng nakakarimarim ang hitsura ay nakakatawa, may iba kapag nakita nila ang sarili nila sa salamin ay mamamatay na lang bigla.
  • Kung galing ka namang abroad o kaya mga malalayong lugar gaya ng Baguio, Boracay or Manila Bay, magandang ibigay yung mga galing sa lugar na iyon. Para di ka na mahirapan, magregalo ka ng hangin mula sa lugar na iyon. Malas na lang ulit ng napagbigyan mo kapag binuksan at pinawalan ang sariwang hangin na regalo mo.
  • Pero wala ng mas magandang iregalo sa ating mga minamahal ang ating presence. Very worthy ang bawat segundong kasama natin sila lalo’t kapag nasa malayong lugar sila. Kaya magandang i-regalo natin ang presence natin sa kanila ngayong panahon ng pasko. Kung gusto niyo silang pasiyahin at sorpresahin, ilagay niyo ang inyong sarili sa isang kahon at i-ship papunta sa kanila, via door-to-door or any package freighting. Basta wag niyong kalimutan ang mga pagkain at oxygen na isama sa box niyo. Good luck na lang sa biyahe lalo kung barubal ang mga kargador, sure na malalamog kayo. Kapag dumating na kayo, masusurprised talaga ang mapagbibigyan niyo. Dahil kung hindi kayo nangingisay na dumating dun, ay malamang na isa na kayong malamig na bangkay.

Sa mga nag-iisip at gustong magregalo sa akin hindi ko na kayo papahirapan pa, kasi masaya na ako sa cash. Bahala na kayo kung through banks, money transfer o kung anu man, basta huwag lang tseke baka kasi tumalbog pa at maiskandalo pa ako sa mga bangko. Magdonate na kayo para mabili ko na ang mga lupain ng Ayala.