Le Poseur en Misa de Gallo

Naiinis na ako sobra-sobra. Lalo’t ngayong tumutulo ang aking uhog patungo sa aking mga lips. Kagabi nagkasinat pa ako. Pero ang mga kinaiinisan ko sa lahat ay yung mga nagkalat na mga posers kapag simbang gabi. Gusto ko silang singahan lahat. Though, hindi naman ako umaattend sa misa de gallo, nakakainis lang kasi kapag nakikita mo ang mga ito. Mabuti na nga lang walang mga orcs*, kasi nasa trabaho sila.

Nagmistulang audition para Starstruck ang simbang gabi. Pormadong pormado ang mga kabataang pumupunta ngayon dun. Hindi ko alam kung naghihintay lang ba sila ng talent scout para madiscover habang naghohomily ang pari. Kulang na nga lang yata sumayaw o kaya kumanta at magrap with matching tambling-tambling sa altar. Kung umaattend lang siguro ako ng misa de gallo, baka may naganap ng massacre. Heto pa ang mga nakakainis na ginagawa ng mga feeling, TH at posers:

  • Magwiwish na manalo sa lotto kapag nakumpleto ang siyam na gabi.
  • Ang simbang gabi ay ang hunting season para makakuha ng girlfriend/boyfriend.
  • Nagsusuot ng mga longsleeve at jackets or any kind of warmers kahit na mainit na dahil sa dami ng tao. Although, malamig naman talaga sa gabi at madaling araw, pero once na dumami na ang tao, hay naku, parang tumirik na rin ang araw.
  • Makakapal ang mga make-up ng mga babae.
  • Makakapal ang mga make-up ng mga binabae.
  • Nagmamadaling matapos ang misa para makakain ng putobumbong at bibingka.
  • May dalang banig, kumot at kulambo para matulog sa simbahan.
  • May dalang deadly weapon para abangan ang kaaway pagkatapos ng misa.
  • Naka-jogging pants at sweater at nagjo-jogging in place.

Hay naku, di ako makapag-isip ng matino ngayon. Lintek na uhog ‘to, ang sarap-sarap grabe. Kukuha na nga ako ng straw ng masipsip ko na ang lahat. Sa kabuwisitan ko sa mga posers na yan nagkakasakit tuloy ako. Mga virus silang nagkalat, pati ba naman ang tradisyon ng bansa ay sinisira nila.

Pasensya na mga avid readers, kung meron man, hindi matino ang post kong ito. Grabe lang talaga itong sipon ko, parang waterfalls ayaw tumigil, kung pwede niyo lang sanang higupin ang lahat ng ito. Sa susunod na lang ako maglalagay ng matinong post.

*please refer to cofibean’s blog