January 2007

A Phony Affair (The Pre-Valentine Season Post)

Posted on January 29, 2007

Hindi ko inaakala na may nagmamahal na pala sa akin ngayon. Lagi na niya akong kinukulit dito sa opisina at binubulabog ang aking karimlan. Secret admirer ko yata, kaso hindi ko pa alam ang hitsura niya, sana nga lima ang mata, tatlong bibig, labing-apat na ilong, sampung tenga, maliit ang beywang na wala na yatang bituka – 1 cm lang ang waistline – at may malaking boobs na walang cleavage. Naa-arouse kasi ako sa mga ganung babae. Ahente siya ngRead More

My Pity Right Hand at the Parteeh

Posted on January 28, 2007

Pasensya na kasi hindi ako nakapunta doon sa Blog Parteeh, pero ipinadala ko naman ang aking kanang kamay. Kaya kung sakali mang may makakita ng mga larawan at sinasabing ako yun, FYI right hand ko po lamang siya. Nagkaroon kasi ng emergency, ipinatawag ako ng queen para kami’y mag-tsaa. Nakabalik naman ako ng maaga mula sa pagtsatsaa ko from England, nag-teleport lang naman kasi ako. Susunod sana ako dun sa Blog Parteeh na iyon kaso hindi ko na nagawa kasiRead More

Parteeh Get Meeh

Posted on January 25, 2007

Umiiyak na ako ngayon ng elepante, paano ba naman kasi wala pa rin akong invite sa Blog Parteeh 2007 na yan. Kailangan yata magpanovena pa ako para lang makasama diyan, o kaya lumuhod sa mga santo ng Quiapo, Baclaran, Calaruega at Barosoain. Dapat yata sumama na rin ako dun sa pakikipagbalyahan at moshpit noong Fiesta ng Nazareno, baka sakaling makasama ako sa Blog Parteeh na ito. O di kaya magsasasayaw din ako ng Hala Bira noong Piyesta ng Sto. NiƱoRead More

I’m a Parteeh Banana

Posted on January 23, 2007

Marami na malamang ang nakabalita sa Blog Parteeh ’07 na magaganap January 27, 2007 mula 2:00pm hanggang 8:00pm dun sa Classica Tower 2 sa may Salcedo Village sa Siyudad ng Makati. Kasinglaki daw ng Titanic ang event na ito, medyo nag-aalangan nga akong magpunta paano ba naman, mga bigtimer at mga halimaw yata ang mga pupunta dito isipin mo ba naman sponsored ito ng: Sheero Media Solutions, MyJournal Philippines, FeedText, Inc., Migs Paraz, A Bugged Life, The Blog Herald, b5mediaRead More

Lord of Titles

Posted on January 19, 2007

Mahilig tayo sa namecalling. Madalas nating binabansagan ang iba ayon sa mga nagawa nilang mga kabalbalan o sa mga pagmumukha nila. Ganun din naman kahit yung mga nasa higher echelon at marami ng nagawa para sa earth. Nariyan yung mga Lord, Dame, Konde, Contessa, Donya, Don atbp. para sa mga dugong bughaw at maharlika na kagaya ko, dahil nga blue talaga ang dugo ko, parang turqoise nga, minsan naman sapphire. Meron din naman yung dinadagdagan ang pangalan sa harap dahilRead More

Masochistic Monday

Posted on January 17, 2007

Nitong Lunes, napakaraming pangyayari. Hindi pa rin naman ako nadedevirginized nung araw na iyon, pero ang daming events. Halos kakapasok pa lang ng taon, ganun na ang mga nangyari. Hindi yata magandang pangitain ang mga bagay na iyon. Nagsimula kasi yun ng pauwi na kami mula sa trabaho. Ayus di ba? Pauwi pero simula pa lang. The end is only the beginning. Paglabas namin ng building, sinamahan ko muna ang officemate ko na maghintay ng taxi. Habang hinihintay namin yungRead More

Fumbling Fearless Forecast

Posted on January 15, 2007

Napakabilis talaga ng panahon, di mo aakalain na 2007 na. Parang kahapon Sunday lang, ngayon Lunes na. Tapos na naman ang mga Pasko at New Year, kaya naman magtitiis muna kaming mga empleyado hanggang sa susunod na long weekend, which is sa April pa. Holy Week saka Araw ng Kagitingan, tagal pa! Hayy! People Power kasi natapat ng Linggo, ewan kung idedeclare yung next day nun na holiday. Pero dahil kakahain palang sa ating hapag-kainan ang baboy, marami na namangRead More

Who Doesn’t Want to Get Rich?

Posted on January 12, 2007

Sinumang nasa baba ng estado sa buhay ay nais tumaas. And most Filipinos are down there. Halos lahat gustong yumaman. Umaasa lagi sa lotto at pinapadugo na ang mga utak at kamay sa pagtatrabaho. Marami ring nilalangoy pa ang pacific ocean at lumilipad sa stratosphere para lang makapunta sa ibang bansa at doon magtrabaho. At talaga namang nakakainggit yung mga taong kumakain ng masasarap na mga pagkain sa mga hotel, ang sarap tadtarin at i-mince naman yung mga umiinom ngRead More

I am You and You are Me! That Makes A Country

Posted on January 10, 2007

Lunes ng umaga, as usual, late na naman. Ako ang may hawak ng susi ng office kaya ako ang unang dumating. Ako pa lang mag-isa noong umagang iyun. Binuksan ko ang ilaw, ang aircon, ang PC ng server, at ang PC ko, dumungaw saglit sa e-mail, sumilip-silip ng porn… este… ng news sa yahoo. Yung mga common rituals sa umaga bago ako magtrabaho, magbate… este magsurf sa net at medyo i-set ang mood for lovemaking… i mean working. Nananahimik paRead More

Fire in the Sky

Posted on January 6, 2007

Kagabi Pyro Olympics sa MoA. Sandamukal ang mga tao, mas marami kaysa last year. Hindi naman masyado matrapik nung bumiyahe kami papunta dun, wala kasing trapik sa LRT. Ewan ko na lang kung magkatrapik pa dun. Tapos nagdyip kami mula Pasay Rotonda patungong MoA. Lagpas 8pm na nga kami dumating, 8pm start, pero as usual hindi naman kagad nagsisimula yun. Nung bumaba na kami sa MoA, hayun nagsisimula, hindi man lang kami nahintay, masyadong atat. Lintek na mga paputok, excitedRead More

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com