The Marriage of Dreams and Reality

Enero na naman, at heto nag-aabang na rin ang February. Ibig sabihing malapit na namang mag-valentines. Ilang valentines na ba akong single at walang nakakadate, isa, dalawa, tatlo… lintek, kailangan pa bang bilangin yun. Since naman paglagpas ko ng puberty ay wala naman akong nai-date kahit man lang isa. Wala man lang minalas na maseduce sa makamandag kong sex appeal. Hindi rin ikinaloob sa akin noong nagdaang Pasko ang aking kahilingan na isang babaeng columbian na lalabas mula sa balikbayan box at sumasayaw-sayaw wearing only a red ribbon and only that ribbon na may hawak pang iPod at PS3.

Pero hindi porke’t malapit na ang valentines ay nagmamadali na ako na may maka-sex… este magkaroon ng girlfriend. Masaya yata ang maging single at walang commitment, ok na rin kahit virgin ako, wala naman akong magagawa dun di ba? Kahit deep within the bottom of my bottomless heart with a hole that passes through my belly button ay gusto ko pa ring makaranas ng tinatawag nilang pag-ibig. Wait na lang tayo hanggang dumating yun, huwag lang sana akong mamatay na virgin.

Habang tayo’y nakaupo pinapainit ang puwet at naghihintay na bumagsak mula sa langit ang aking magiging Ms. Right (at sana’y buhay pa siya sa pagbagsak niya) ikwento ko na lang ang aking dream wedding. Usong-uso na ngayon ang mga themed wedding, meron dyan yung mala-Star Wars o kaya Lord of the Rings, meron ding mala-Harry Potter at mala-That’s Entertainment. Minsan nga pinalabas pa sa Jessica Soho Reports yung mga sirkerong ikinasal habang tumatawid sa alambre. Jaskeng mga Geekazoids na ‘to. Syempre, magpapahuli ba naman si Billycoy.

Ang gusto kong motif ng aking wedding ay black and red. Tapos yung tema niya ay medyo dark ang dating. Gusto kong kasal yung may iaalay na babaeng birhen sa altar pagkatapos ibubuhos sa aming ikakasal yung dugo niya. Yung mga kanta ng choir ay yung “Shigi-shigi-Wah-Wakere-Umaa!!!” habang may sumasayaw ng Roger Rabbit at Running Man sa harap. Yung mga ilaw din dapat pula. Ang mga pagkaing iseserve naman dinuguan, inihaw na dugo, bloody mary para sa drinks at Haagen-Dazs Ice Cream para sa dessert. Medyo off ang ice cream pero bakit ba, kasal ko ‘to walang pakialamanan, saka Haagen-Dazs din yun!

Kung may wedding, dapat may honeymoon din. Gusto kong honeymoon yung kakaiba talaga. Honeymoon habang nag-skydiving, yung nagdu-do kayo habang kayo’y nasa ere. Wow, kakaiba yun at parang ang sarap ng feeling, wag lang sanang makalimutang buksan ang parachute kapag dumating na sa climax. O kaya habang nagba-bunjee jumping, ilang seconds lang yun, pero di ba ayus din yun, habang nalalaglag naggaganun, exciting. Yun nga lang kailangan din ng maraming practice kapag ganun bago sa actual. Baka pag-naexcite din makalimutang ilagay yung tali, goodluck na lang kapag yun ang nangyari.

Mukhang magastos itong plano kong ito, dapat na sigurong mag-ipon ngayon pa lang. Dapat medyo bigtime rin ang mga sponsors ko, kailangang makahanap na para bawi-bawi sa gastos. Dapat sa mga ninong at ninang na ito yung hindi magbibigay sa amin ng punchbowl. Ano pa ba kulang? Ahh, yung alay ba? Madali lang yan, marami naman ng mga emo kids dyan. Ano pa ba kulang, meron pa ba? Ahh muntikan kong makaligtaan, syempre yung babaeng papakasalan ko.

Kahit dream pa lang yan dapat nakaplano na, ayokong maggahol sa oras. Kaya kung sinuman diyan ang nais tumulong at magsponsor, tumatanggap na po ako ng cash or bank transfer as of this moment pa lang. Kahit wala pa yung magiging bride nagpeprepare na kasi ako.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com