Fire in the Sky

Kagabi Pyro Olympics sa MoA. Sandamukal ang mga tao, mas marami kaysa last year. Hindi naman masyado matrapik nung bumiyahe kami papunta dun, wala kasing trapik sa LRT. Ewan ko na lang kung magkatrapik pa dun. Tapos nagdyip kami mula Pasay Rotonda patungong MoA. Lagpas 8pm na nga kami dumating, 8pm start, pero as usual hindi naman kagad nagsisimula yun. Nung bumaba na kami sa MoA, hayun nagsisimula, hindi man lang kami nahintay, masyadong atat. Lintek na mga paputok, excited ng sumabog sa ere, sana man lang naghintay muna sila makahanap kami ng maayus-ayus na pwesto bago sila sumabog. I’m so hot, that’s why I start to wet… wet with sweat. In rush kasi kami. Buti na lang maganda ang getup ko kaya I don’t let my posture down. Ginawa ko na namang catwalk ang paseo ng MoA.

Nakipagkissing elbows tuloy kami sa mga kakaibang mga earthlings. Grabe, iba’t ibang nilalang, may halimaw, may alien, may timawa, may tabon at kung anu-ano pa. Pero agaw pansin talaga sa amin dun yung Taong Bulbul. Yung bang parang sinalampakan ng bulbul ng sampung tao at nilagay sa kanyang ulo, as if naman negro siya para magpa-afro. Mabuti na lang may mga Bebes sa likod namin, at talaga namang umapaw ang lawa ng aking laway na halos lunurin na ang MoA lalo kapag nililingon ko sila. Kulang na nga lang yata lumapit ako sa kanila at lamunin sila. Bwiset lang kasi may kasama silang mga guys, ewan kung juwawhoopers nila yun, gusto ko tuloy sila (yung mga guys) na masakerin gamit ng radiation ng aking cellphone o kaya bigyan sila ng pearl shake para magkakanser na sila.

Pero siyempre, bida dito yung fireworks. Ang gaganda lahat at ang lulufet. Merong korteng puso, parang puno, saka meron din parang boobies. Talaga namang naligayahan ako sa mga pinakita nila. Naakit ako sa alindog ng kanilang mga paputok. Hindi ko mapigilan ang aking ungol sa ligayang aking nadama noong gabing yun. I can feel the heat. Sobra akong na-arouse!

Kaya naman naisip kong i-video ito at i-share sa inyo para ma-arouse din kayo. Kung hinahanap niyo ang abang-lingkod niyo sa video pasensya na po kayo at wala siya diyan dahil isinama na po siya sa mga paputok.