Who Doesn’t Want to Get Rich?

Sinumang nasa baba ng estado sa buhay ay nais tumaas. And most Filipinos are down there. Halos lahat gustong yumaman. Umaasa lagi sa lotto at pinapadugo na ang mga utak at kamay sa pagtatrabaho. Marami ring nilalangoy pa ang pacific ocean at lumilipad sa stratosphere para lang makapunta sa ibang bansa at doon magtrabaho. At talaga namang nakakainggit yung mga taong kumakain ng masasarap na mga pagkain sa mga hotel, ang sarap tadtarin at i-mince naman yung mga umiinom ng kape sa mga coffee shops at pa-english-english pa na alam naman nilang hindi nila afford at mas marami pa silang dapat pagkagastusan kaysa sa sa worth Php 100 na kape.

Naku, ang mommy ko, araw-araw yang tumaya ng lotto. Kabisado ko na nga yung mga bola sa bawat araw; Megalotto/4 digits kapag MWF, Regular/6 digits kapag Tuesday and Saturday, Superlotto naman kapag Thursday. Grade 6 pa lang ako, 12 years old, nagtataya na ako sa lotto. Bawal yun, pero nakakalusot ako kasi matangkad naman ako… pero hindi ako mukhang matanda, bebefes yata ako! Sa araw-araw na taya ng mom ko, puro balik-taya lang lagi ang panalo niya, minsan lang yung mga 500 saka yung mga thousands. Ewan ko ba, bakit ba laging umaasa dun si mommy. Malay mo nga naman manalo kami, one of these days… Sana nga manalo na ng jackpot si mommy para magkaroon na ako ng sariling bahay at makapag-uwi na ng babae… I mean pintura at mapinturahan ko ng gusto kong kulay ang aking bahay.

Bukod sa lotto, marami pa namang pwedeng gawin para yumaman. STD lang yan, sabi nga ni Manny Villar… ay di pala STD, ST pala. Mag-ST sa mga bars at kung saan-saan pa… ganun din STD rin abot mo. Pero bukod sa mga yan, marami pang iba.

Mambugaw. Hindi ito yung pambubugaw ng mga langaw sa mga lugawan o palengke. Heto yung pambubugaw sa mga kalsada ng Malate, ilang parte ng Makati, saka sa Quezon Ave. at Timog Ave. Kapag naging successful sa ganito, pwede ng magtayo ng sex den at whorehouse. Make sure lang na sinusuplayan ang kalapit na presinto ng iyong mga produkto. Pero sabi nga ni Robbie Williams “Pimpin’ ain’t easy”.

Mag-sideline. Kung lagi kang naka-cherry sa dart, pwede ka na dito. Maghitman ka, kung gusto ng mas maayos na term, eh di assassin! Bigtime ang kita dito, lalo kung bigtime ang client niyo. Pero kung ang titirahin niyo lang yung mga pedicab drivers, wala kayong mapapala, unless gusto niyo silang maging practice target. Sayang nga lang sa bala at effort.

Mangolekta. Kung meron kang isang milyong kaibigan, hingan mo sila ng tigpipiso at ipunin, yayaman kayo tiyak. Ok lang kung kahit libo lang o yung mga friends mo sa friendsters, myspace o multiply, basta araw-arawin lang, makakaipon na kayo nun!

Magpanggap. Pumunta ka sa isang tribu at sabihin sa kanila na ikaw ang reincarnation ng kanilang dating hari. Hindi ka man mayaman na katulad nila Bill Gates, feeling mayaman ka pa rin naman, kasi marami kang tagasilbi at maraming alay ang ibibigay sa iyo. Yun nga lang, baka di mo na maatim na tingnan ang iyong hitsura sa salamin dahil masulasok ka sa sarili mo na nakabahag o anu pa man.

Napakarami pang paraan para yumaman, pwedeng maging politiko, druglord, Mafia, sindikato at kung anu-ano pa. Ayoko lang i-elaborate baka kasi sabihin na bad influence na ako. Pero kung gusto niyo ng easy money, magtaya na lang kayo sa lotto. Basta be sure na nasa legal age na kayo sa pagtaya. Balatuhan niyo na lang kami kapag nanalo kayo!