Fumbling Fearless Forecast

Napakabilis talaga ng panahon, di mo aakalain na 2007 na. Parang kahapon Sunday lang, ngayon Lunes na. Tapos na naman ang mga Pasko at New Year, kaya naman magtitiis muna kaming mga empleyado hanggang sa susunod na long weekend, which is sa April pa. Holy Week saka Araw ng Kagitingan, tagal pa! Hayy! People Power kasi natapat ng Linggo, ewan kung idedeclare yung next day nun na holiday.

Pero dahil kakahain palang sa ating hapag-kainan ang baboy, marami na namang hula-hula dyan. Naglitawan na naman yang mga propeta ng showbiz at politika sa mga talkshows at kung saan-saan pa. Kailangan ba talaga yearly ang mga forecast na yan? Mapagkakatiwalaan ba ang kanilang mga vibrator… i mean vibes? Ano ang ulam namin mamayang hapunan? Ano pinagkaiba ng lasa ng Popeye’s Chicken sa Jollibee Chickenjoy?

Dahil sa mga katanungang iyan, sinapian ako ng espiritu ng kahalayan… este kalinawan. Nanginig ang aking katawan at ako’y nagmistulang vibrator. Damang-dama ko ang vibes na ikinaloob sa akin ng sun which is the center of our solar system moving around are the planets. Kaya ngayon may kuliti ako dahil sa pamboboso ko sa babaeng pinangalanang kinabukasan.

Sa Showbiz
Dahil ngayon ay 2007, uulan ng siyete mula sa langit. Ang mga siyeteng ito ay babagsak sa ulunan ng mga artista at sila ay mamamatay. Mawawalan na tayo ng mga artista, at mabuti yun dahil mawawala na ang mga artistang walang inatupag kundi magpacute lang. Ang matitirang mga buhay na artista ay mamamatay din ang career dahil sa kanilang mga tighiyawat. At dadagundong ang pangalan ni Billycoy at siya’y magiging hari ng showbiz.

Sa Politika
Ngayon ay year of the boar, kaya ang mga baboy sa pork barrel ay mabubuhay at kakainin nila ang mga politiko. Kahit pa buwaya ay magagawang lamunin ng mga baboy dahil wala namang crocs sa chinese zodiac. At dahil year of the pig at malayo pa ang presidential election, asahan na lalaki at tataba pa ang first gentleman dahil ito’y punung-puno na ng pera. No wonder na hindi makita ang kinukupit nila dahil kinakain niya pala ito.

Sa Iba pang pwedeng mangyari
Dadami ang mga baboy at malalampasan nila ang dami ng mga daga. Sila na ang mamemeste sa loob ng ating mga tahanan; Pig is the new Rat! Dadanak ang kababuyan at kahalayan sa iba’t ibang parte ng mundo. Hindi na mauuso ang mga kubyertos at mga chopsticks, dahil kakamayin na ang lahat ng pagkain kung hindi man isusubsub na lang ang mukha habang kumakain. Maraming manganganak ng labindalawa at may mga batik pa. May porn movie na mananalo sa Oscar at dahil dun, dadanak na ang porno at pwede na ring panoorin ng mga bata at sanggol pa.

Ang forecast ko sa aking sarili? Maraming mangyayari, dahil pinanganak din ako sa Year of the Pig, dodoble ang aking kababuyan at kahalayan. Mahihilig na rin ako sa paliligo sa putik at sa koral na rin ako matutulog. Madedevirginized na ako this year dahil mare-rape ako ng isang hot chick na kamukha ni Heidi Klum. Magkakaroon na rin ako ng girlfriend, di lang isa, kundi sandamukal. Lalo pang lalakas ang makamandag kong alindog. At ilalabas ko na rin ang aking katauhan dito sa blog… maybe not!