Lord of Titles

Mahilig tayo sa namecalling. Madalas nating binabansagan ang iba ayon sa mga nagawa nilang mga kabalbalan o sa mga pagmumukha nila. Ganun din naman kahit yung mga nasa higher echelon at marami ng nagawa para sa earth. Nariyan yung mga Lord, Dame, Konde, Contessa, Donya, Don atbp. para sa mga dugong bughaw at maharlika na kagaya ko, dahil nga blue talaga ang dugo ko, parang turqoise nga, minsan naman sapphire. Meron din naman yung dinadagdagan ang pangalan sa harap dahil sa mga awards nila, gaya ng Academy Award, Nobel Prize, Pulitzer, MMFF Award Winner, Loyalty Awardee, o kaya naman sa natapos at propesyon nila, merong M.D., Ph.D, M.A., Doctorate, Director, Manager at kung anu-anu pa. Pero para sa akin, para magkaroon na ng title ang magiging anak ko, ilalagay ko na yung title na yun sa pangalan niya sa kanyang birth certificate.

Academy Award Winner Lord Billycoy Dacuycuy Jr.

Meron na rin naman akong ibinansag sa sarili ko. Mga titulong nararapat lang sa isang maharlikang kagaya ko. Umpisahan na natin.

Mucous Lord
Halos buong taon yata may sipon ako. Minsan na lang ako mawalan. Lagi naman akong nagtetake ng vitamins pero ganun talaga, sinisipon ako. Isang linggo at mahigit lang ako mawalan ng sipon, pagkatapos nun, babalik na naman. Kabisado ko na nga stages ng sipon. 1st stage, masakit sa ulo, malatubig pa ang uhog, uncontrollable ang pagtulo, kaya minsan pati sa pagkain mo tumutulo na ng hindi namamalayan, instant seasoning mas masarap pa sa Maggi Savor. next stage, medyo malapot na, pero kadalasan na sinasamahan na ng ubo at lagnat. Yung susunod, heto na yung green na at sobrang lapot, mahirap na talagang huminga, wala na ring boses dahil sa sore throat at ubo, heto na yung malutong kapag sinisinga. ang huli, umaga o gabi na lang may sipon na malapot na green, sa araw, madalas na malalaking kulangot na lang sa loob ng ilong. Ngayon sabihin niyo sa aking hindi ako pwedeng maging Mucous Lord.

Hungry Virgin
Sapagkat ilang beses ko na ring paulit-ulit na binabanggit na virgin pa ako. Kaso di lang obvious dahil parang mas may alam pa ako sa mga nakaranas na. Parang alam ko na lahat ng styles at posisyon, pero ang sa totoo wala pa talaga akong experience sa ganyan. Sabik ako sa sex kasi nga wala pa akong alam dun. Trivia: Ang mga taong sex-deprived ay mas madalas na pag-usapan ang sex kaysa sa mga dun sa nakaranas na, at kung sex-deprived naman sila at hindi sila nagsasalita regarding sex, mga ignorante ang mga yun at dapat patapon sa mga bundok.

Prinsipe ng Kababuyan (Prinsipe K)
Hindi naman pwedeng prinsipe ng baboy dahil hindi naman ako pig. Halos lahat yata ng kababuyan at kalokohan alam ko na. Pagkababuy-babuy lahat ng mga pinagsasabi at mga pinagsusulat ko dito. Sobrang nakakadiri at talaga namang nakakasulasok kung iisipin. Pero hindi pa naman ganap ang kababuyan at kahalayan ng aking pag-iisip, wholesome pa nga ako sa kalagayan kong ito. Saka kaya nga prinsipe lang kasi nga, prince pa lang… hindi pa hari. Ibig sabihin nun may mas babuy pa sa akin.

Conde de Locura (Count of Insanity)
Ito ay dahil sa dami ng aking katauhan at kung anu-ano ang mga tumatakbo sa stadium ng aking utak. Madalas walang kakwenta-kwenta ang mga naglalagalag sa palasyo ng aking kaisipan. Weird at talagang napaka-freaky, hindi niyo maiintindihan kasi kung ako nga di ko rin maintindihan. Asa pa kayo. Magulo lagi at talagang may gyera ang left at right membrane, madalas pa nga sumasama pa ang bituka ko sa giyera ng mga ito, tapos sasalo pa hetong puso at yung ano ko… basta yung ano.

Hari ng Kagwapuhan
No need to explain, the title says it all!

Hayan ang mga titulo ko at talaga namang karapat-dapat ako sa mga iyan, lalung-lalo na yung huli. Heto nga magpapagawa na ako ng aking chateau na gawa mula sa mga pinatigas na kulangot. Ano pa silbi ng mga awards o kung anu-ano pa, marami naman na akong titles. Kaya kung isang araw tatawag sa akin ang Nobel, Oscar, Pulitzer at Palanca, magdedecline na lang ako, gagawa na lang ako ng sarili kong award-winning body o kaya papamana ko na lang ang mga titles ko, wag lang yung pagiging hari ng kagwapuhan.