A Phony Affair (The Pre-Valentine Season Post)

Hindi ko inaakala na may nagmamahal na pala sa akin ngayon. Lagi na niya akong kinukulit dito sa opisina at binubulabog ang aking karimlan. Secret admirer ko yata, kaso hindi ko pa alam ang hitsura niya, sana nga lima ang mata, tatlong bibig, labing-apat na ilong, sampung tenga, maliit ang beywang na wala na yatang bituka – 1 cm lang ang waistline – at may malaking boobs na walang cleavage. Naa-arouse kasi ako sa mga ganung babae.

Ahente siya ng call center, at lagi niya akong kinukulit tungkol sa application ng credit card, na hindi naman ako interesado. Kakaiba itong ahenteng ito, pagkalandi-landi ba naman tapos ang pagsasalita nakakainis matinis ang boses, tagalog na nga patwang-twang pa, gusto kong ipasok ang kamay ko sa mouthpiece at hugutin ang kanyang dila sa kabilang linya at ipulupot sa leeg niya. Friday noong nakausap ko siya, sabi niya nasa harap niya ang application form at kinoconfirm niya lang ang details, heto naman ako game sa pagsagot. Hanggang sa tinanong niya yung sa marital status. “You’re single?” tanong ng ahente, “Yes.” sagot ko, tapos “How come?” ang reply niya. Ako’y natulala at parang natutunaw ang mga sementong pader nitong opisina sa kanyang katanungan. Tapos, sabi niya pinapatawa lang niya ako kasi masyado raw seryoso ang usapan. Maya-maya tinanong niya ang workplace, siyempre sinagot ko Makati, same din daw ang place niya, tapos sabi niya “Can you fetch me tonight?” Nagulantang na naman ako sa katanungan niyang iyun, “It’s Friday today, maybe we can hangout later.” tapos may mga banat pang “Do you want me to go to your office?” the hell talaga itong babaeng ito, hindi ko malaman kung ahente ba talaga siya ng credit card o pokpok na ginagawang dildo ang telepono!

Nung hapon ding iyun, tumawag siya ulit, nakausap niya ang boss kong babae. Marunong makipaglaro din ang boss kong iyun, hala sige chika sila. Tapos nung nagkwento na ang boss ko nalaman ko ang pagka-intrigera nitong ahenteng ito. Paano ba naman nakausap niya yung isa kong officemate na lalaki, pabulong niya kasing sinagot, nung ikinuwento na nitong pokpok… este ahente sa boss ko sabi ba naman “Sino po ba yung nakasagot kanina? Bakit po pabulong siyang sumagot? Parang may inililihim siya. Parang MANYAK!” jaskeng ahente ito, ginawang issue pa yung pagsagot ng pabulong. Tapos hinanap din yung isa kong boss – husband ng boss na babae – sinabi na lang ng boss kong babae na kunwari magkasama kami sa meeting, tapos ang sabi ba naman nitong agent “Naku, kapag 3 hours wala pa rin sila, iba na yata yun. Kasi di ba may short-time rate sa mga motel.” Hala!? Gawan pa ng issue ang pagkawala sa opisina. Kamag-anak yata ito ni crater-faced Cristy Fermin!?

Tapos ngayong umaga tumawag ulit siya, ipinipilit niya sa aking ipadala yung requirements through fax. Tapos kung anu-ano na naman pinagsasabi niya, kesyo ang cute daw ng tawa ko, kung kailan daw kami magde-date. Anu ba yun? Ahente ba talaga siya? Ayaw niya pang ibaba yung phone kahit sinasabi ko na ang mga projects ko ay kasing taas na ng Petronas Tower sa dami. Kasi sabi niya kailangan ko daw i-send yung requirements before lunch at kailangan ko raw sabihin ang word na “Promise” para ibaba na niya ang phone. Para tuloy akong highschool dito na kinikilig at humahagikgik sa kakatawa dito, nararamdaman ko na nga na kumakapal ang balahibo at nagkakaroon ng mga batik at unti-unti na akong nagiging hyena sa kakatawa dito. Kasi naman ako rin nagfi-flirt din mismo sa babaeng yun, nakakita tuloy siya ng motibo.

Ok lang naman kasing magflirt siya kapag hindi sa oras at lugar ng trabaho. Napaka-unprofessional kaya nun. Kahit phone sex nga payag ako basta wag lang naman sa opisina, kasi kung ikikiskis ko yung phone sa ano ko at may lumabas dun, nakakahiya naman sa susunod na gagamit. Although pwede ko namang sabihin “Ahh pinunasan ko yan ng clorox natapunan kasi kanina ng kaong.” Reasonable naman di ba? Nagpapakapropesyonal lang naman ako.

Naku kapag tumawag ulit ang pokpok ng credit card, ano na kaya ang gagawin ko sa kanya, papatulan ko ba ang offer nila or papatayin ko na lang siya?

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com