Oil of Wonders

I look younger than my age.

Oo totoo yun, huwag na kayong mashock or mahimatay dyan. Yan ang madalas sabihin sa akin ng iba. No stir! Though medyo nagmature na rin ako ngayon since nagstart na akong mag-gain ng weight. Pero mas younger pa rin talaga akong tingnan kahit na 23 na ako. Opo 23 – nakalagay naman yan sa profile ko at hindi ko naman itinatago – na ako physically pero mentally 14! Kung magsuot lang siguro ako ng school uniform baka mapagkamalan pa akong college kung hindi man high school. Pero laking tuwa ko siguro kung may magsabi sa akin na mukha akong elementary or kindergarten dahil maa-uppercut ko siya at tumilapon hanggang sa moon. Kahit nga ang mom ko, 50 na siya pero mukha pa rin siyang in mid-30’s niya. Sa kanya ko yata namana hetong young looks ko. Kaya nga hindi na namin kailangan yung ginintuang presyo nung Olay para lang magmukhang bata at sabihing my skin is firmer, my pores become smaller at yung mga lines… parang nawala.

Isang fact na natuklasan ko kung bakit meron kaming young and extremely ovepoweringly juvenile looks and appeal ay ang pagkakaroon namin ng oily skin. Nag-a-act as moisturizer ang natural oils ng ating balat kaya napeprevent niya ang aging. Nag-uumapaw kasi ang langis ng aming katawan at hayun nag-ooverflow sa aming mga balat, lalung-lalo na sa mukha. Kaya nga kapag naubusan na kami ng mantika sa bahay, kukuha lang kami ng kutsara at ikakayod lang sa mukha namin at ilalagay na sa pan, and walla! may mantika na kami. Minsan ginagawa rin naming mantikilya, ganun din, ilalagay lang sa container, lagyan ng konting asin at ibang pampalasa tapos ilagay lang sa ref kapag tumigas na, meron na kaming butter na pwedeng ipalaman sa tinapay at ilahok sa iba pang pagkain.

Kung dry ang skin niyo, hindi naman ibig sabihin nun na hindi kayo mas mukhang bata. Prone lang kayo sa effects ng aging, kami namang may oily skin prone sa acnes and breakouts. Syempre sa mga may dry skin kailangan nilang protektahan din ang kanilang balat from aging sa pamamagitan ng mga moisturizers at kung anu-ano pa. Magastos nga lang pero ganun talaga. Syempre bibigyan ko kayo ng mga alternatibo dito.

  • Uminom ng sandamakmak na kape kahit galon-galon pa yan. Kasi nga ang kape ay nagtataglay ng anti-oxidants na nakakatulong sa pagprevent ng aging at mas marami pa sa taglay ng green tea. Kaya kung iinom ka ng marami nito, malamang magmukha ka ng sanggol afterwards. Salamat kay Tweetie De Leon sa ad niya ng NescafĂ© para sa impormasyon na ito. Ewan ko nga lang kung makakatulog pa kayo.
  • Maghilamos ng mantika, mapa-Minola man yan o Golden Fiesta. Basta make sure na may Omega-9 at walang cholesterol para healthy sa puso. Pero ako, suggestion ko, Golden Fiesta, para kahit ilang beses mo mang gamitin golden pa rin. Tiyak na magiging glowing and shiny ang skin mo nito.
  • Keep away from stress. Huwag na kayong magtrabaho o mag-aral. Iwasan na rin lahat ng stressful na bagay. Isa kasi ang stress sa pagpapabilis ng aging, kaya kung wala kang ginagawang nakaka-stress hindi ka tatanda kaagad. In other words, magiging palamunin ka na lang habambuhay.
  • Kumain ng mga isdang malalalansa gaya ng salmon, tuna at kung anu-ano pa. Hindi dahil gagamitin mo yung mga fish oils sa iyong mukha – pero pwede mo ring gawin kung gusto mo at gusto mo ring mag-amoy palengke sa labas – kundi dahil sa taglay nitong unsaturated fats na good fat, at may mataas na HDL (High Density Lypoprotein) na nakakatulong sa ating puso at talaga namang nakakapagpabata ng pakiramdam. Pero I strongly suggest na itapal mo na lang yung mga isda sa iyong mukha para maabsorb kaagad ng balat ang mga nutrients na taglay nito. Kung may mga ngipin naman ang pores ng balat mo, ipakain mo na lang para direkta na kagad sa balat.

Kung mapera kayo, iniisip na hibang ang mga payo ko at gusto niyo talagang magmukhang bata, pumunta na lang kayo kina Mendez, Calayan at Belo para magpabotox o magpa-facelift. Pero siyempre iba pa rin ang may confidence, kahit anong klase man ang skin type o edad mo, kung confident ka naman, you will feel more younger and stronger than anybody else.

O sya. Tatapusin ko na ang post kong ito at sasandukin ko pa ang langis ng aking mukha para may magamit na pangmasahe ang tiyahin ko mamaya.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com