Greenhouse Effect

Kahapon suot ko ang aking apple green na polo. All else that day seems normal and redundant, pero nung uwian na, may kakaibang phenomena ang nangyari sa aking daigdig. Hindi ko lubos maunawaan, baka nga pati mga siyentipiko hindi rin maipaliwanag ang aking karanasan kahapon.

Sa paglabas ko ng office at habang papasakay ako ng jeep papuntang Glorietta dahil naisipan kong manood ng sine, aba naman, sandamukal ang nakasuot ng shades of green. At dahil naka-apple green nga rin ako hindi ko maisip kung anong klaseng pangyayari ito. Inakala ko na dahil green-minded ako naapektuhan na ang mata ko kaya lahat ng taong nakikita ko ay berde na rin. Ang kaso hindi, marami talaga ang nakasuot ng green kahapon, isa, dalawa, tatlo… dami kong nakita. Nagkaroon ba kami ng meeting na hindi ko maalala at nagsuot kami ng green, na-abduct kami ng alien at inutusan kaming magsuot ng berde, or nakatala lang sa horoscope na ang lucky color of the day is green?

Nang dumating na ako sa Glorye, aba, green, green, green at green pa rin!? Ano na ba ang nangyayari sa mundo? End of the world na ba? O ito na ang tinatawag na Greenhouse Effect?

Sa G4 ako nagpunta, guess what kung ano ang tumambad sa akin dun? Aba ang mayabang na bansot na feeling superstar na si John Pratts, si Lucky Manzano at Iya Villania para yata sa ASAP nila gawa nung Invitational Screening ng Dreamgirls sa G4. Syempre ang daming uzi na nanonood sa kanila. Kung may jungle bolo lang siguro ng mga oras na iyon ay pinagtataga ko na sina John Pratts at Lucky, tapos yung tipong itatarak ko pa sa leeg yung bolo sa mga leeg nila at ipipihit bago hugutin. Kaso hindi ko na ginawa kasi ayokong magmop at maglinis ng dugo nila saka baka maduguan ang apple green kong polo, hirap kayang labhan ang mantsa ng dugo. Kay Iya? Ask ko kung ako na lang sana kung may extra ticket siya at ako na lang i-date niya sa invitational screening… syempre nakatutok yung sandata ko – yung bolo – sa kanya para pumayag.

Nagtungo na lang ako sa Timezone since hindi ko magagawa ang plano kong masaker kina John Pratts at Lucky, at binuhos na lang ang sama ng loob ko sa pakikipaglaban sa kaibigan ng Soul Calibur, at hayun talo pa rin ako. Regal shockers!? Bigo na nga sa pagmasaker sa mga artista heto talo pa rin sa Soul Calibur. Maya-maya bumili na ako ng ticket, popcorn and iced tea from Taters, at pumasok na sa sinehan para manood ng Apocalypto.

Tumambad sa aking mukha ang sandamakmak na upcoming line-up ng upcoming hollywood movies, heto ang isang dahilan kung bakit gustung-gusto ko ring manood. Hindi naman ako Muvi Dick (Movie Addict), more on movie enthusiast lang. Nagsimula na ang Apocalypto pagkatapos ng mga pinakitang mga movie trailers, at heto na naman ang tumambad sa akin… ang green na gubat!? Pero kahit na gubat at pawang Mayan language ang gamit, perfect ito sa valentines day dahil ang pelikulang ito ay may puso.