Celebrate the Banana Day

Ngayong araw nagcecelebrate na malamang ang mga saging dahil araw ng mga puso. Oo ang mga saging dahil saging lang ang puno na may puso. At malamang maraming fireworks ngayon sa mga motel at sa mga loob ng kwarto. Kaya wag kayong magtataka kung ang mga kwarto ng mga magulang, mga ate at kuya niyo ay naka-lock at nagkakalabugan at with matching squeaking sound effects, may nagpapaputok lang sa mga kwarto nila. Hindi na rin ako magtataka kung kasama kayo sa mga nagpapaputok ngayon.

Isa ako sa mga nagpoprotesta sa araw na ito. Hindi dahil ako ay loveless, unloved for all seasons, at extremely delicious yummy sexy virgin, kundi dahil sa kaplastikan. Tama ba namang magmahalan, mag-ibigan at magsiping lang sa araw na ito, hindi ba dapat araw-araw ay magmahalan at mag-ibigan. Saka wala naman na ang nagpapahalaga sa mga puso nila, sa halip pinapabayaan na nila. Pero since valentines naman na, maraming nag-eexercise sa loob ng kani-kanilang mga kwarto. Magandang exercise kasi ang sex, maraming calories ang natutunaw sa sexual intercourse, depende rin yan sa bilis, distance, tagal, intensity, at iba pang factors. Kaya kung talagang iniisip niyo ang kalusugan ng inyong puso at magbawas ng timbang, makipag-sex kayo 24/7, labis na ligaya pa ang mararamdaman niyo at tiyak na papayat pa kayo. Ang sex ay hindi lang para sa araw ng puso, ito ay pwedeng gawing daily 3 o’ clock habit (sige 3:05pm sa mga banal dyan at 3:00am sa mga may trabaho). Ngayon kung wala naman kayong kapartner o suki sa pakikipagsex niyo, magtiis na lang kayo sa threadmill, takbuhin at libutin ang buong ‘Pinas o di kaya magcartwheel mula sa kinatatayuan mo hanggang Siberia.

Isang bagay ko pang tinututulan sa araw na ito ay ang pagtawag dito ng araw ng mga puso. Bakit puso lang ba ang dapat na ipagdiwang? May narinig na ba kayo na araw ng balun-balunan, araw ng bituka, araw ng baga, araw ng atay, araw ng lapay, araw ng lalamunan, araw ng utak, araw ng mata, araw ng mga buto o kaya araw ng mga genitalia? Wala naman, di ba? Napaka-unfair. Puso lang ba ang dapat pahalagahan? Hindi rin naman tatakbo ang puso kapag wala ang ibang sistema o vice versa. Unless kayo ay isang plankton o dikya na hindi kailangan ng sistema para mabuhay. Kawawa naman ang ibang nilalang din na walang puso kasi saging lang ang magcecelebrate nito. Ang point ko dito, kung may araw ng puso, dapat may araw din dapat para sa ibang parte ng ating katawan.

Since hindi naman ako nagcecelebrate ng valentines day, i-promote ko na lang ang 2007 Philippine Blog Awards. Simula na kasi ng nominations simula sa araw na ito, February 14 at matatapos ang nomination sa February 28. Ako nga ay muling na-arouse sa event na ito. Isang malaking kaganapan na naman ito para sa ating mga bloggers. Kaya dapat simulan niyo ng magnominate ng mga tunay at mga karapat-dapat na nilalang sa kanilang mga categories. Balita ko kasi magbablog na rin sina Manny Pacquiao para makasali na rin sa event na ito. Sobra naman na yata yun, boksingero/singer/commercial model turned Movie actor turned politician turned blogger, aba tama na, ako lang ang maraming propesyon sa mundo ng blog tatalunin mo pa ako. Susunod na nga rin yata sina Goma at Eddie Gil at umaasang manalo na rin dito. Anyway, di hamak naman na mas gwapo ako kay Goma at mas mayaman pa kay Eddie Gil dahil kaya kong bilhin ang mundo o kaya puksain ito sa isang iglap lang.

Hindi naman dadaanin sa boto ng text or internet poll ang mananalo. Ang pagpili ng mga magwawagi ng mga awards kasi may mga judges ito at dadaan sa iba’t ibang criteria. Special award ang may maraming links at trackbacks. Sayang nga hindi ito mala-Starstruck o Star Circle Quest, sasali sana ako kasi marami naman akong talent. Marunong naman akong umarte, kaya ko ring tumawid sa alambre, kumain ng bubog, magtawag ng ulan gamit ng aking catastrophic raindance, magpalutang ng kotse gamit ng aking mega uber psychotic telekinesis, mag-roll over at play dead. Sayang, big break ko na sana!

Hindi rin kasi ako fitted sa mga categories nila, kasi wala naman silang award para dun sa Best Emo Blog, ako lang naman kasi ang napakasenti at emo sa mundo ng blogosphere. Pero kung sakali mang may magnominate sa akin ako’y magpapasalamat at mare-rape ko sila kapag babae at kapag lalake naman ay mabibigyan ko sila ng roundhoouse kick at german suplex with somersault sa ere at backbreaker sa paglapag sa lupa.

Maligayang araw ng mga saging este puso… at sa mga single at walang commitment dyan, wala lang, magdusa kayo at magsama-sama tayo. Orgy na toh! Yuck naman!