The Single Sings Rejoice

I’m happy being sought for single, oozing virgin and not committed… even once.

Taliwas yan sa madalas kong i-post sa blog ko, pero talagang masaya naman ako sa buhay ko. Kahit di pa ako nakakaranas magmahal, ng unang halik o ng popoy, happy naman talaga ako. Hindi naman kasi ako nagmamadali magkaroon ng loved one. I’m still enjoying my twenties. Pero siyempre, ganun lang talaga, may pagkakataon na naglalaway at nagke-crave din ako ng pagmamahal. Mga panahon na makikita mo ang mga magjuwawhoopers na naghaharutan, naglalandian, nagyayakapan, naghahalikan, naglalaplapan, naglalamutakan, naglalapaan, naghuhubaran, nagtatanggalan ng undies, naghahalikan ulit at… teka porn na yata yun.

Like any single out there, hindi talaga na maiwasan na mainggit nga sa mga magsing-irog. Naku lalo na sa akin na very ignorant about love, dahil nga hindi pa nga ako nagkaka-girlfriend not even once. Nais ko rin kasing maramdaman kung ano nga ba ang pag-ibig. Gusto kong alamin yung pakiramdam na merong yumayakap at humahalik sa akin. Yung palaging may nag-iisip sa kalagayan ko kapag hindi kami magkasama. Gusto ko rin damhin yung mga panahon na naghaharutan at nagkukulitan sa tuwing nagkikita o sa telepono man. Kahit din yung mga pag-aaway dahil lang sa maliit na bagay. Mga pagkakataon ding nag-aalab at nag-iinit ang damdamin ng isa’t isa sa tuwing magkasama. At yung pakiramdam na isang umagang magigising dahil sa halik ng iyong minamahal. Syet! Ang mushy ko!

Hindi naman talaga mawawala yung ma-dead sa envy sa mga bagay na wala ka. Pero hanggang dun lang talaga yun, may kani-kaniyang panahon din yan, ika nga; weder-weder lang. Marami din namang benefits ang maging single at uncommitted. Hindi lang napapansin ng marami at nao-overlook lang.

Pros:

  • Nakakatipid at nakakakain sa mga gustong lugar na kakainan.
  • Mas naiintindihan ang pinapanood na pelikula dahil walang nang-iistorbo at magtatanong “Anong nangyari?”, “Ano daw?”, atbp. Saka mas focus na sa panonood dahil wala ng ka-smooching sa loob ng moviehouse.
  • Para sa lalaki, hindi na kailangang maghintay ng pagkatagal-tagal sa labas ng CR
    ng babae.
  • Para sa babae, hindi na kailangang mag-alala kung hahawakan mo ang kamay ng BF kung sakaling nag-CR dahil di alam kung naghugas ba siya ng kamay.
  • Hindi na kailangang hanapin ang KKK (Kataas-taasan Kadilim-diliman Kasuluk-sulukan) part ng mga sinehan.
  • Pwede ng mangulangot kung kailan man nanaisin.
  • Wala ng magagalit kapag nale-late, boss na lang ang magagalit at magdededuct ng sweldo.
  • Walang aalalahaning birthday, anniversaries, monthsaries, at birthday ng aso na makakalimutan, pwera lang sa kabarkada dahil inuman na naman o kaya may manlilibre.
  • Wala ng magtatrack kung saan man magpunta, maliban lang sa mga pulis kapag kasama sa most wanted list nila.
  • Para sa lalaki, wala ng bubuhating mga mabibigat na shopping bags at groceries ng GF.
  • Para sa babae, hindi na mag-aalala kung nabibigatan si BF sa mga pinamili.
  • Wala masyadong gastos, kung meron man para sa sarili lahat mapupunta, maliban sa araw ng Pasko o kaya gagawing ninang/ninong ng mga kaibigang nagkaanak na.

Cons:

  • Walang kapopoyan, belat!!!

Baka nagtataka kayo kung bakit isa lang ang cons sa pagiging single, aba kaming mga single ang bida sa post na ito, kaya nararapat lang na mas marami kaming pros. Kung ang mga may karelasyon, ka-ibigan, kabit at magjuwawhoopers ay nagdidiwang ng kanilang pagmamahalan, marami din kaming mga single and unloved na dapat ipagdiwang. Ang sarap din yatang maging single. Bigo man akong makahanap ng mangre-rape sa akin noong valentines day, masaya pa rin ako. Hindi ko minamadali ang mga bagay-bagay, kasi ang lutuin kapag minadali hindi sumasarap (salamat jang-geum). Darating din ang panahon na iyon, saka open pa naman ang application ng babaeng mangre-rape sa akin.