March 2007

Someday My Dreams Will Come

Posted on March 30, 2007

Noong mga bata pa tayo at mangmang pa ang musmus nating pag-iisip, may isang tanong na paulit-ulit na kinukulit sa atin. Baka nga sa tuwing tatanungin ito magpapantig na lang ang iyong tainga, didilim ang iyong paningin at kikitilin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsaksak ng Mongol sa kanyang puso. Pero dahil nga mangmang at wala pang alam sa mundo hindi mo ito ginawa. Sinong bata ba ang hindi tinanong ng “Ano gusto mo maging paglaki?” Lahat tayo tinanongRead More

Crying is Not Enough

Posted on March 28, 2007

Malapit na talaga katapusan ng Pilipinas. Kung mga artista nagiging politiko, ang mga politiko naman nag-aartista. Napanood niyo na ba yung audition tape ni Manay Tessie? Hindi ko nga alam kung anong talent search ang sasalihan niya, kasi tapos naman na Starstruck at wala naman na yung Star Circle Quest. Saka kung sakali mang meron pa, nangangamoy alimuom at lupa na siya para sa mga ganung contest. Kung ako huhusga sa drama niya dun sa audition tape niyang ipinapalabas saRead More

Attending the Sunday’s Concert

Posted on March 26, 2007

Ang mga Pinoy, lumaki sa mga noontime variety show. Tanungin man ang sinumang Pinoy na nagkalat sa kalsada, bata o matanda, lalaki o babae, may ngipin o wala, regular o irregular, single o married, normal o timang, may TV o wala, alam nila ang noontime variety show. Kultura na nga natin yan at bawat isa may kanya-kanyang paboritong variety show, GMA, ABS-CBN, IBC-13 at iba pang free TV stations. Monday to Saturday, naghahari ang Eat Bulaga at Wowowee – peroRead More

Wheel of Fate

Posted on March 23, 2007

Meron ang nag-iisang frustration sa buhay. Higit at natabunan niya pa ang frustration ko sa pagiging virgin at USB (Unloved Since Birth). Nang dahil sa frustration ko sa bagay na ito, maraming aspeto ng aking buhay ang naapektuhan. Matindi ang epekto nito sa akin at talaga namang nakakabagabag ang mga ito. Kaya’t kumapit na kayo sa inyong mga silya at lamesa dahil matinding bagyo ang mababasa niyo dito at liparin ang bawat parte ng katawan niyo papunta sa Pasig RiverRead More

Sing and Die

Posted on March 21, 2007

Likas sa mga pinoy ang maging mahilig sa pagkanta. Nasa dugo na nga natin ang pagiging mahilig sa sex… este sa singing. Kaya nga patok na patok sa atin ang mga singing contest gaya ng Tanghalan ng Kampeon, American/Philippine Idol, Pinoy Dream Academy at Pinoy Pop Superstaar!!! Pero hindi lahat ng kumakanta ay blessed, marami din dyan ay sinumpa at tinalikuran ng mga awit at kanta, at karamihan din ay namamatay dahil sa mga awitin. Makarinig ka ba naman ngRead More

The Great Escape

Posted on March 19, 2007

Nakatingin ako sa salamin, tinitingnan ang aking sarili. Nag-aayos ng buhok, naggugupit ng tutsang sa ilong at sinisipat ang bawat pores ng aking ilong. Maraming blackheads at may ilan ding pimples na tinatawag ako at sinasabing “Tirisin mo na ko, c’mon honey!” Pinipilit kong labanan ang tawag niya ngunit ang mga daliri ko ay may sariling utak at tinahak ang daan patungo sa tighiyawat. Dumampi na ang mga daliri sa zit nang biglang dumilim at lumabas mula sa kadiliman siRead More

Gettin’ Hot!

Posted on March 16, 2007

Its gettin hot in here (so hot)So take off all your clothesI am gettin so hot, I wanna take my clothes offHot in Here by Nelly Napanood niyo na ba yung “An Inconvenient Truth”? Ako kasi hindi pa, baka gusto niyong ipahiram ang DVD niyo nito, well kung wala naman, payag na ako sa porn! Ang An Inconvenient Truth ay isang documentary na ipinapakita ni Al Gore yung mga epekto at mga maaaring maganap nang dahil sa dinadanas na globalRead More

Dying in Hell with the Spartans

Posted on March 13, 2007

One week ago nasa sinehan na naman ako. Opening kasi last week, March 7, ng 300 at syet ang lufet. Ang dami nga ring nanood, box-office talaga. At syempre dahil pasosyal ang inyong abang lingkod, sa cinema 3 ako ng G4 nanood para guaranteed seats and guess what kung saan ako nakapuwesto, sa mismong harap ng screen, middle column sa corner. Fave spot ko kasi mga dulo ng mga rows para hindi sagabal kapag ako’y tutungo ng CR upang sundinRead More

Want to have a Pearly Skin?

Posted on March 12, 2007

Sa mga nilalang na taghiyawatin at mga pimpolin dyan bagay sa inyo itong post ko ngayon dahil pwede na kayong yumaman. Basta magbasa na lang kayo kung paano kayo yayaman. Kilala ang bansa natin bilang Pearl of the Orient, malamang alam niyo na kung bakit at di ko na yun i-eexplain pa dahil alam niyo naman na siguro yun, at kung hindi pa naman ay bahala na kayo, kumuha na lang kayo ng kawali at ipukpuk niyo sa ulo gamitRead More

When Heroes Battle

Posted on March 9, 2007

Naaalala niyo pa ba ang aking best friend kong si Em-em, the MetroMan? Nag-email kasi ulit siya, like sa mga emails niya sa akin problema na naman. This time hindi naman na sa work niya ang problem, personal life niya naman. Na-interview kasi siya sa isang radio show sa US. Quite controversial yung sagot niya kaya hayun, naeskandalo. Let me share it with you. My best friend Billycoy, Hi! Kamusta ulit? I’m totally pissed off again. Pasensya na if allRead More

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com