Relive the Crowning Glory

Wala ka na naman bang buhay? Nababagot sa mga paulit-ulit na mga ginagawa? Nalulungkot dahil sa dry at matamlay na buhok? Sawa ka na ba sa mga produktong walang ginawa kung hindi paasahin lang na mapaganda ang inyong buhok? Lifeless ba ang iyong hair? Nagugutom k na ba? Heto ang bagong produktong bagay para sa inyo!

From the company that brought you BB System™, we now introduce you another breakthrough product.

Introducing the All-New Hairlicious™ Flavoring Shampoo.

Bigyang buhay ang inyong walang kwentang mga buhok with Hairlicious™ Shampoo. Hindi lang siya basta shampoo, may iba’t ibang scent at variant para gawing alive ang buhok. Hindi lang siya buhay, ngayon magagawa ng makain ang buhok dahil sa Hairlicious Shampoo. At dahil sa iba’t ibang flavors ng Hairlicious Shampoo talagang masasarapan kayo sa pagkain ng inyong buhok. Hairlicious Shampoo comes in Roast Beef, Pinakbet, Papaya, and Fried Chicken.

Roast Beef. Mahilig ba sa beef? Heto ang bagay sa inyo, Hairlicious™ Roast Beef Shampoo. Amoy pa lang, roast beef na! Matatakam ka sa sarap at amoy ng roast beef kaya kumuha lang ng strand at nguyain, malalasap ang lasa ng tunay na baka.

Pinakbet. Bagay sa mga mahilig sa mga local dishes. Sa amoy pa lang, malalanghap na ang bagoong, kalabasa, talong, okra at iba pang mga sangkap sa pinakbet. Kumpletos rekados na, buhok pa lang ulam na!

Papaya. Naghahanap ng healthy fruit dessert? Heto meron na para sa mga buhok niyo. Ang amoy, galing sa natural na papaya na amoy poopoo. Kaya kung nae-engganyo at naghahanap ng papaya, pitasin lang ang buhok at kainin, papayang-papaya ang lasa.

Fried Chicken. Everybody’s favorite. Sino nga ba ang hindi naghahambing ng ibang karne sa manok? Halos lahat yata paborito ang manok. Craving for that famous fastfood chicken, now it’s in your hair. Tikman ang sarap ng manok sa buhok at baka sa susunod maghanap ka na ng gravy.

So ano pang hinihintay niyo? Bigyang buhay ang inyong buhok at ang inyong sikmura, bumili na ng Hairlicious™ Flavoring Shampoo. Siguradong kakainggitan ka ng kapwa mo kapag meron ka na nito. Huwag ng magpahuli.

But wait there’s more… If you order now, makakatanggap ka ng libreng eyspeysyal blue na tabo. Perfect pampaligo lalo kung sira ang shower niyo. (Limited supplies only, unless gusto niyo ng pink)

Makes your hair incredibly delicious.

Ano pang hinihintay niyo dyan? Huwag na kayong tumunganga at tumayo lang dyan, sugod na sa telepono at umorder na!

*Also available in Durian, Tinola, Blueberry Cheesecake and Binagoongan Flavor.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com