Politics Vegetation

Sa mga 18 years old dyan at sa mga 18 years nang bumoboto dyan, naka-decide na ba kayo kung sino iboboto niyo? Ako hindi pa, kasi hindi ko alam kung may matino pang mga kandidato sa mga panahon ngayon. Isa na diyan si Prospero Pichay, dahil isa siyang mutant… isang GMO (Genetically Modified Organism).

Hinding-hindi ko iboboto ang nilalang na ito dahil altered genetics lang siya mula sa halamanan at taniman ng pechay. At kaya hindi ko rin siya iboboto kailanman dahil hindi naman niya sinasabing iboto siya kundi itanim. Hindi ako papayag na gawing bukirin ng Pichay ang senado. Hindi naman suggestable na gawing taniman ang senado dahil covered ito, hindi lang maaarawan ang Pichay dito. Ang mga halaman kailangan ng araw yan dahil dun sila kumukuha ng energy, malaking kawalan sa mga Pichay ang walang araw.

Hindi rin ganun kadali mag-alaga ng mga Pichay, dahil kailangan ng maintenance niyan. Lalagyan mo ng fertilizer, tutubigan mo para talagang maging maayos. Papayag pa ba kayong magkaroon ng Pichay sa senado?

Paano itatanim si Pichay sa senado?

  1. Ang mga halaman kailangan ng buto, at si Pichay may buto rin. Kaya kailangan hintayin mo muna siyang maagnas o di kaya patayin para makuha ang mga buto niya. Unless, kahit buhay pa siya ay huhugutin mo na ang mga buto sa katawan niya.
  2. Pumili ng matabang lupa at lugar na maaarawan ang halamang Pichay. Sa case ng senado, tibagin ang semento at bungkalin ang lupa na pagtataniman. Butasin din ang mga kisame para papasukan ng araw.
  3. Alagaan ang tanim na Pichay, diligan araw-araw at lagyan ng pataba.
  4. Makalipas ang ilang araw tutubo na si Pichay sa pinagtaniman at maaari ng pitasin at manungkulan sa senado.

Hindi ako magtatanim ng Pichay, dahil kapag itinanim siya aabot sa 206 na Prospero Pichay ang tutubo – dahil may 206 na buto ang tao. Masyadong magiging crowded ang senado kung sakali at mapupuno ito ng Pichay. Lalo na’t nasa corner ng administrasyon siya. Unfair lalo na sa oposisyon, dahil wala naman silang mala-gremlins din na kandidato. Kahit pa 23 lahat ng oposisyon kung 206 naman ang kalaban na Pichay na maka-administrasyon, wala silang panama.

Sa pagkakaalam ko, nailagay na rin ang ilang parts at juices ni Pichay sa instant noodles, ingat kayo sa pagkain nito baka mainfest ang utak niyo ng Pichay.

Papayag ba kayong may gulay tayo sa senado? At kapag tumubo ba ito bibilhin at kakain ba kayo? Aaprubahan kaya ng BFAD ito? Masustansiya kaya ito? Tatakbo rin daw si Victor Wood na Senator, susunod at lalaban kaya si Madame Auring sa kanya? Totoo kaya ang Atlantis?

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com