Dying in Hell with the Spartans


One week ago nasa sinehan na naman ako. Opening kasi last week, March 7, ng 300 at syet ang lufet. Ang dami nga ring nanood, box-office talaga. At syempre dahil pasosyal ang inyong abang lingkod, sa cinema 3 ako ng G4 nanood para guaranteed seats and guess what kung saan ako nakapuwesto, sa mismong harap ng screen, middle column sa corner. Fave spot ko kasi mga dulo ng mga rows para hindi sagabal kapag ako’y tutungo ng CR upang sundin ang tawag ng kalikasan kung sakali mang naparami ako ng iniinom na iced tea habang nanonood.

Dahil nga nasa harap ako ng screen pakiramdam ko meron pa rin akong 300 hangover. Ganun kasi ako kapag maganda ang movie nagkakahangover ako. Kahit nga one week na ang nakakaraan sumisigaw pa rin ako ng “Aahu!” Matindi pala talaga tama ng isang pelikula kapag sa harap ka mismo manonood. Nakaka-high parang drugs na sinisinghot gamit ang tenga. Trip ko na nga ang fashion statement ng mga spartans, baka one of these days magsuot na ako ng pulang kapa at loin cloth lang. O kung talagang mas matindi, yung red cape na lang, wearing that and only that. Trendsetter ako nun kung sakali!

[Spoiler Warning: Plot and/or ending details follow, pero dahil alam kong matigas ang mga bunbunan niyo, ipagpapatuloy niyo pa rin ang pagbabasa nito]
Natuwa ako ng husto doon sa movie – hindi lang dahil sa malufet na battle sequence, cinematography, at visual effects – dahil sa sandamakmak na utongs at nipples ng mga iilang babae sa pelikulang ito. Ang unang nagpakita ng nipple ay yung si Oracle, mapula. Erect ang mga nipples niya, squarish na nga kapag sideview. Ang pagkakaalam ko ang cause ng erected nipples ay lamig o di kaya arousal. Hmm… na-arouse nga kaya si Oracle dun sa mga nakakaduwal na mukha ng councils? Ganun na ba ang bagong tipo ng mga kababaihan noon, yung mukhang yakee kadiring Quasimodo? Kung sakali palang nabuhay ako noon hindi siya malilibugan sa mukha kong saksakan ng sex-appeal at nag-uumapaw ng Niagara falls sa kagwapuhan, sayang naman, crush ko pa man din si Oracle at ang kanyang utong.

Mabalik tayo sa utong… este sa 300, may ilan pang daring scenes ng mga utong kaya ginawa itong rated-R, di lang sa ating bansa kundi sa iba pang pinalabasan nito. Nakakadismaya nga lang ang pelikulang ito dahil nabigo akong makita ang pinakaaasam-asam ko. Hindi yung utong, dahil marami nga nito sa pelikula. Wala ang tunay na Spartans dito, yung mga Spartan slippers. Nabigo akong makakita ng 300 pairs na Spartan slippers. Hindi pala ito tungkol sa mga tsinelas, kaya nalumbay ako sa pag-uwi. Nabigo ako, ang sakit sa damdamin, umaagos ang tsunami ng aking dugo palabas ng aking puso. Kaya naman parang gusto kong pumunta dun sa takilyera at hingin ang aking ibinayad sa kabiguan ko. Nakakapanghinayang talaga.
[Spoiler ends here, at sana hindi ko naman na-spoil ang mga kinakain niyo]

Dahil nga nabigo akong makita ang 300 Spartan slippers, inisip ko na lang ang mga utong ng mga kababaihan sa pelikula upang bumalik ang gana at upang ma-arouse. Doon ko na-realize na maganda naman pala ang pelikula. Salamat sa mapulang nipple ni Oracle! Isa ko pang na-realize, kaya Spartan ang ipinangalan sa ating pambansang tsinelas dahil nga sa tibay nito gaya ng mga Spartans sa battle of Thermopylae. Kaya naman si Achilles ay namatay noong napana siya sa kanyang heel dahil ang ginamit niya diumanong tsinelas ay Havaianas. Kung kaya ako, Spartan pa rin!

FYI: Ang Spartan Sandals ngayon ay under na rin ng Islander Sandals