Gettin’ Hot!

Its gettin hot in here (so hot)
So take off all your clothes
I am gettin so hot, I wanna take my clothes off
Hot in Here by Nelly

Napanood niyo na ba yung “An Inconvenient Truth”? Ako kasi hindi pa, baka gusto niyong ipahiram ang DVD niyo nito, well kung wala naman, payag na ako sa porn! Ang An Inconvenient Truth ay isang documentary na ipinapakita ni Al Gore yung mga epekto at mga maaaring maganap nang dahil sa dinadanas na global warming.

Talaga namang nakakabahala na itong global warming na ito. I’m so hot na nga. Nag-iinit na ako ng sobra-sobra. Kung napapansin niyo pwede ng ilagay sa straight jacket ang weather ngayon dahil nagiging retardate at nabubuang na siya. Nariyan na ang mga bagyo’t hurricanes na sumusugod sa iba’t ibang bansa, El Niño phenomenon. Kapuna-puna rin na epekto ng global warming ang mainit na ulo ng mga drivers sa gitna ng trapik, mga nag-uuramentadong customers sa mabagal na serbisyo ng mga fastfood chains, supladang mga teller at tindera sa mga malls at ang pagiging malibog ng maraming tao.

Sino ba ang hindi nag-aalala sa kakahinatnan nitong global warming? Lahat naman tayo natatakot sa maaaring mangyari, kaya kahit magtago pa kayo sa ilalim ng kumot ay wala ding mangyayari dahil mas papalalain niyo lang ang problema, mas lalong iinit. Hindi lang naman si George W. Bush, PGMA at ang USA ang magugunaw – well, sana nga sila na lang – kapag lumala na ang global warming, lahat tayo madadamay. Malulunod tayo sa baha ng maalat na pawis at maso-suffocate tayo ng putok sa kili-kili dahil mawawalan na ng epekto ang mga deodorant-antiperspirant. Kaya naman we should do our part, kahit man lang sa maliit na bagay para sa ikakatulong sa ating kapaligiran.

  • Huwag ng huminga. Dahil nagpoproduce tayo ng carbon dioxide kapag nag-e-exhale mas mabuting pigilan at huwag na tayong huminga. Masama kasi ang carbon dioxide sa ating ozone layer, nabubutas ito.
  • Huwag ng kumain ng gulay o kahit anong nasa halaman. Ang halaman kasi nafi-filter at kinoconvert nila ang carbon dioxide to oxygen. Dahil konti na lang ang mga halaman at puno sa paligid, mabuting iwasan na natin ang pagkain ng gulay. (Sinusuportahan ko si Benj sa kanyang pagpoprotekta at pagliligtas sa mga gulay)
  • Iwasan ang pagkain ng kamote. Nagpoproduce ito ng napakabahong at nakakaduwal na utot. Masama yun sa ating katawan at ganun din sa kapaligiran dahil meron itong methane.
  • Manood ng porn, makakatulong ito para maging green ang inyong utak.
  • Huwag ng gumamit ng fridge. Nagpoproduce kasi ito ng CFC. Kaya mabuting mag-imbak na lang kayo ng asin pangpreserve ng pagkain o kaya ibaon ang mga stocks ng pagkain sa ilalim ng lupa.
  • Magdala ng mga buto at itanim ito kung saan-saan, sa school, sa kalsada, sa park, sa bunganga ng kaibigan, sa kama ng kapitbahay, o kaya sa mata ng juwawhoopers.
  • Tigilan ang paninigarilyo (at marijuana) dahil sinusunog nito ang mga baga niyo, mga tao sa paligid, mga kabahayan at ang ozone layer. Mabuting kainin niyo na lang iyon, busog pa!
  • Ugaliing makipagpopoyan, dahil mainam ang sex sa ating katawan. Benefits sa kapaligiran? Malay ko, gusto ko lang kasi maisama ang sex sa tips ko.

Kailangang magtulungan na tayo para masagip natin ang ating mundo sa lumalalang kalagayan nito. Kung kaya’t tayo na’t magkapit kamay, sama-sama, sabay-sabay tayo. Ilabas na ang conga, gitara, beer bong at pulutan, tara na at magtungo na sa beach. Hubarin na ang damit at ipakita ang mga hubog ng katawan sa suot na bikini. Ipangalandakan ang inyong mga booties sa suot niyong thong at sumayaw sa saliw na tugtuging “Thong Song”.