Crying is Not Enough

Malapit na talaga katapusan ng Pilipinas. Kung mga artista nagiging politiko, ang mga politiko naman nag-aartista. Napanood niyo na ba yung audition tape ni Manay Tessie? Hindi ko nga alam kung anong talent search ang sasalihan niya, kasi tapos naman na Starstruck at wala naman na yung Star Circle Quest. Saka kung sakali mang meron pa, nangangamoy alimuom at lupa na siya para sa mga ganung contest.

Kung ako huhusga sa drama niya dun sa audition tape niyang ipinapalabas sa TV, naku bagsak siya. Hindi ko nga nadama yung mga nais niyang iparating. Akala niya naman sa ginawa niyang pag-iyak sa national TV matatalo niya ang superstoned… este superstar Nora Aunor o kaya ang dakilang Juday. Daig pa nga siya ng mga emo youtuberos sa pag-iyak. Kahit nga sa pagsayaw-sayaw niya noon hindi rin pasado. Malambot pa ang mga poste sa kanto kaysa sa mga kinakalawang sa osteoporosis na mga buto niya kaya nga di ko talaga maintindihan kung paano siya naging dancing queen!?

Kung gusto niya sanang sumikat komunsulta sana siya sa akin baka natulungan ko pa siya. Heto lang naman mga paraan para sumikat siya:

  • Sumali sa mga reality shows gaya ng PBB. Since hindi naman siya talented pwede siyang sumikat dito. Tulad na lang nila Kim at Gerald, sumikat kahit puro pa-cute lang ang alam.
  • Makiapid sa mga boyfriend ni Kris Aquino. Mabilis siyang sisikat, parang si Hope.
  • Magsuot ng mga kakaibang damit gaya ni Tessa Prieto-Valdez. Yun nga lang sa case niya magmumukha lang siyang matronang hindi mabili sa kalsada ng Timog Ave. at Baywalk.
  • Kaawayin si Gretchen Barretto. Sumisikat din mga kaaway nun.
  • Pausuhin niya ang kanyang dance move. Baka ungusan niya pa ang Itaktak Mo at Boom Tarat-tarat.
  • Gumawa ng sex scandal at ipalaganap sa internet at cellphone. Marami na rin ang kilala sa mga scandals, isa na diyan ang hotel heiress na si Paris Hilton. Pero kapag ang sa kanya na ang lalabas, hindi kaya maging curse ito sa mga cellphone at virus sa PC?
  • Sumali sa forbidden questions ni DJ Mo at siguradong magiging controversial siya kapag tinanong sa kanya yung “Dude, we know your gay” lalo kung sinagot niya sina Piulu, Sam Melbi, at Erik Santos. Ang masama lang kung umabot siya sa “Show me the puppies!” at patulan niya ito.
  • Baka sa excitement niya dun sa “Show me the puppies!” magkaroon na rin siya ng “Manay Tessie Gone Wild” video, kung saan binubuyangyang niya ang kanyang mga puppies.

Marami pang ibang paraan para naman makapasok pa siya sa showbiz, bakit pa kasi ganung audition tape pa. Kumunsulta kasi kagad kay Gina Alajar para magawa yun kaso parang si Gina na rin mismo nahirapan sa pag-arte niya. Kung ako sana kinunsulta niya baka natulungan ko pa siya kung paano sumikat. Nagsayang lang siya ng sandamukal na salapi sa kanyang TV audition tape ad.