Someday My Dreams Will Come


Noong mga bata pa tayo at mangmang pa ang musmus nating pag-iisip, may isang tanong na paulit-ulit na kinukulit sa atin. Baka nga sa tuwing tatanungin ito magpapantig na lang ang iyong tainga, didilim ang iyong paningin at kikitilin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagsaksak ng Mongol sa kanyang puso. Pero dahil nga mangmang at wala pang alam sa mundo hindi mo ito ginawa. Sinong bata ba ang hindi tinanong ng “Ano gusto mo maging paglaki?”

Lahat tayo tinanong niyan at kahit tayo tinatanong natin yan sa mga bata ngayon. Yung mga sinasagot natin noon malaking impluwensya para mabuo natin ang mga pangarap natin. Ano nga ba ang mga gusto kong maging ngayong malaki na ako at makapal na ang pubic hair sa ilalim ng aking brief?

Doctor. Pwede akong mag-medicine noon sa UP at sasagutin ng tiyuhin ko sana ang tuition ko doon. Kaso hindi ko pinili kasi inisip ko matagal ang bubunuin ko sa pag-aaral, imagine 5 years or more sa school, inisip ko na baka hindi na ako magka-girlfriend o mag-asawa sa ganung tagal. Hindi ko nga kinuha pero heto USB pa rin ako at wala pang napopopoy kahit isa.

Mafia Lord. Hindi ko lang gusto maging hitman o assassin, gusto kong maging head ng mga sindikato lalong lalo na sa MAFIA. Napakapowerful ko kung sakali, may hawak ako sa politika at sa mga illegal na transaksyon at mapapapatay ko na ang mga gusto ko kahit pa ang mga ipis at langaw na hindi man lang nadudungisan ng dugo ang aking mga kamay.

Drug Lord. Kailangang magtake ng enterpreneurship or business course at pagkatapos pharmaceutical para maging drug lord. Malakas ang sales dito, lalo na siguro kung magkaroon ako ng mga puwesto sa mga malls kahit isang booth or boutique lang. Nais kong dalhin sa heaven ang maraming nilalang.

Papa Sang. Ang maging sikat na bugaw sa mundo ng boogie wonderland ay tagal ko ng pinakakaasam. Gusto ko maging middleman lang sa mga negosasyon, huwag lang ako yung gumagawa ng aksyon. Hindi naman ako papayag na ibigay ko ang aking virginity kung kani-kanino lang, masaya na akong makakuha ng 90% komisyon sa mga talents ko.

Porn Star. Napagdesisyunan ko na lang na hindi ituloy. Iba kasi magiging reaksyon ng mga viewers ko. Instead na ma-arouse ay baka magtatakbo sila sa kanilang kwarto magtalukbong sa kumot habang hinahayaang nakabukas ang ilaw sa takot oras na makita nila ang kahubdan na aking katawan. Instead na porn film ang ipapalabas ko ay maging horror movie at daigin pa sina Freddie Kruger at Sadako sa pananakot.

Simple lang naman ang mga pangarap kong yan. Matupad ko lang ang isa sa mga iyan, laking ligaya ko na at malamang daig pa ang orgasm na mararanasan ko once na madevirginize na ako. Pero kung mahihigitan pa nga nito ang orgasm ko, hindi rin yata ako papayag. Mas gusto ko yata ang ligaya sa orgasm!