And the Award Goes to…

Bigo na naman ang aking alipin upang makamit ang pinakaaasam kong iPod Video sa gabi ng Philippine Blog Awards 2007. Kaya naman pagkadusa-dusang torture ang inabot ng kanang kamay kong ito sa kanyang kabiguan. Sinigurado kong pati ang mga retina niya ay may latay gamit ng aking latigo. Sabi ko naman sa kanya na kahit suhulan niya ng milyun-milyon ang mga organizers gawin niya makuha ko lang ang most desired iPod Video, kaso hindi niya ginawa, kaya parusa na lang.

Almost 1am na nga dumating itong aking alipin at hinintay ko pa talaga siya para lang dun sa iPod kaso wala siyang inuwi. Kaya pinakinggan ko na lang ang balita niya sa event. Nanalo daw si Utakgago ng Nokia 3230, gumawa na nga ng plano ang aking alipin upang inenok ang cellphone na yun upang kahit papaano ma-please ako, kaso nabigo siya. Maraming naganap, sayang nga lang walang nangyaring sex orgy sa awards’ night lalo’t nandun din si Bryanboy at ang kanyang dakilang yaya, maka-iskor lang sa yaya niya masaya na ako para sa alalay ko.

May afterparty sa Hula-Hula Bar sa Shangri-La, yun nga lang walang nakakaalam sa kanila kung saang Shangri-La, kung Edsa o sa Hotel. Nagdecide na pumunta muna sa Shangri-La Hotel sa Makati. Since ang alagad ko lang daw ang nakakaalam ng paikot-ikot sa Makati siya ang naging slave slash model turned yaya slash tour guide ng mga kasama niyang bloggista na sina Aaron, Franco, Kevin, Jhed at ang malantod na si Heneroso, sayang nga at hindi nakasama si Arnel. Walang Hula-Hula bar sa hotel kaya namalakaya na naman ang mga nomad sa Makati para makarating sa MRT para makadiretso na sa Shangri-La Edsa.

Pagdating sa Hula-Hula bar, dun nakita na nila sina L.A., Philippine Blog Award 2007 Winner Shari, Jomar, Pierre, Chris, A.J., Jeff, at the rest ng mga bloggers. Bumaha ng alak at iced tea saka nagkaroon ng stampede ng Maki. Halos malunod na nga si Jomar sa iced tea. At akalain mo ba naman pati ang underaged teeny-bopper incoming UPLB freshmeat na si Utakgago ay nakiinom at sinasaway na nga dahil underage pa at may curfew pa siya. Natapos ng maayos ang gabi sayang nga at walang gulo at gangwar na naganap, dahil mas enjoy sana ang gabi kung magiging madugo at may magkakalat na body parts.

Bibigyang linaw ko lang:

  • Hindi po ako ang nagpunta sa Blog Awards, alipin ko lamang ang pinapapunta ko sa mga ganyang kaganapan. Baka sa lakas ng aking makamandag na alindog at nakakatakam na sex-appeal ay mawala ang atensyon sa event at mapunta na lang sa akin.
  • Alam kong gwapo ang aking representative, pero di hamak naman na mas magandang lalaki ako sa kanya at wala ng dadaig pa sa akin.
  • Ako ang mismong gumawa ng aking alagad. Ginawa ko siya in the image and likeness of me. Parang clone pero 0.01% lang ng aking kagwapuhan.
  • Hindi o minsan lang nagpapakuha ng litrato ang aking alipin dahil ayaw niyang magkaroon ng misconception at mapagkamalang ako siya.
  • Huwag niyo po siyang mapagkakamalang tahimik, ang totoo po niyan, may switch lang na nakatago sa loob ng kanyang ilong. Kung gusto niyo lamang siyang magdadaldal ng walang katapusan at wakasan na ang inyong buhay sa kanyang pagsasalita, i-on lamang ang switch na ito.

Pagpasensyahan niyo na po kung alipin ko lang ang nakakahalubilo niyo ng madalas. Pero don’t worry trained naman yan na kumilos at magsalita na kagaya ko. Ingat lang kasi may self-destruct mechanism yan.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com