Be Prepared It’s Approaching Fast!


One month mahigit sa araw na ito ay ipagdidiwang ko na ang aking 17… este 24th birthday. Kaya ngayon pa lang hinahanda ko na ang aking wishlist para sa araw na iyon. Syempre una sa listahan kong yun ay ang world peace wrapped in an elegant packaging. Bukod sa world peace, may mga tangible objects and experience din naman akong gusto para sa parating na kaarawan ko.

Trip to Amanpulo. Kilala ang Amanpulo sa pagiging exclusive beach dito sa ‘Pinas. Some hollywood celebrities (e.g. Robert de Niro) are going there without the notice of the pinoy media. A whopping 300,000 pesos or more lang naman ang budget dapat dito. Ginto kasi ang buhangin at pwedeng isangla sa mga pawnshop. Kaya naman talagang gustong-gusto kong magpunta sa lugar na ito para mag-uwi ng buhangin mula sa lugar na ito.

Luxury ship. Isa sa mga gusto kong gawin ang mag-cruising gamit ang sarili kong barko. Kaya naman ikaloob niyo na sa akin ang luxury ship. Ang sarap yatang mag-relax at mag-unwind habang bumabiyahe ang barko. Ang magiging problema ko lang kung saan ko ito ipa-park.

Boeing 747. Hindi ko pa naranasang sumakay sa isang lumilipad na eroplano, kaya gusto ko magkaroon na lang ako ng sarili kong private plane na Boeing 747. Kahit saan man pumunta, gaya ng sari-sari store ni Aling Tekla dyan sa kanto, mabilis at madali na lang akong makakapunta.

Bentley. Ano panama ng mga Lambourghini, Porsche, Ferrari at Sarao sa Bentley? Laking tuwa ko kung magkakaroon ako niyan. Pero malamang hindi ko rin ito magagamit dahil sa hindi pa ako marunong magdrive at baka pagawan ko na lang ito ng museo at ilagay sa airlock container para mapreserve ang treasured Bentley na ito.

Sizzling Hot Girlfriend. Ayos ito, lalo na kung mamahalin niya ako ng lubusan at gagawin niya akong sex slave. Gusto ko na rin kasing matigil ang aking reklamo sa pagiging USB at VSB (Virgin Since Birth, thanks to AaronJ). Pero siyempre dapat pasado sa standards ko ito, baka kasi hipon, sugpo at alimango kasi ang ibigay niyo, sayang lang effort niyo kapag ganun dahil ipapapapak lang namin sila sa mga leon at buwaya.

Sex Toys and boxes of porn movies. Lubos na lubos siguro ang aking ligaya kapag nakatanggap nito. Basta siguraduhin niyo lang na sex toys na panlalaki at hindi yung mga dildo! Huwag na rin siguro yung love/sex doll baka kasi magkabeke naman ako sa kakaihip bago ko pa magamit yun. Mabigyan lang siguro ako nito, kahit kalimutan niyo na yung trip to Amanpulo, luxury ship, Boeing 747 at Bentley masaya na at maligaya na ang birthday ko.

Simple lang naman ang mga wishlist ko para sa aking birthday. Abot-kamay nga kung tutuusin. Pero wag niyo pa ring kalimutan, tumatanggap pa rin naman ako ng cash donations and bank cheques.

————————————————–

Ito na ang aking 99th post, kaya naman next post ko ay ika-100th post ko na. Kaya naman, special offer na ito sa inyong mga minamahal kong mambababasa. Binibigay ko na sa inyo ang pagkakataon na tanungin ang inyong abang-lingkod. At ang mga kasagutan naman ay ilalagay ko sa ika-100 kong post. Kahit anong tanong, personal, science, sex, literature, sex, arts, health, politics, sex at kung anu-ano pa basta wag lang math, trigonometry at physics. Sinumang magtanong ng mga pinagbabawal na topics ay tutubuan ng garapata sa ilong. Questions lang at hindi requests, minsan lang ito kaya naman i-grab niyo na ang opportunity na ito.

Para sa mga questions niyo pwedeng e-mail dito crost22@gmail.com kung sosyalin kayo, or sa comment box kapag tinatamad kayong magbukas ng e-mail niyo.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com