Indulge Me and Be Satisfied

“Everything in this room is edible, the floor, the walls even I am edible, but that my dear children is called cannibalism and is frowned upon in most cultures”
– Willy Wonka, Charlie and the Chocolate Factory (2005)

Nitong nakaraang araw, inatake at sinugod ng mga kawal na langgam ang aking cabinet. Kung kaya naman karamihan sa aking damit ay may mga langgam. Kaya’t nung sinuot ko na ang mga damit, lalo na yung boxer brief ko ay anong sarap ng pagkagat nila sa aking patotoy at balls. Baka dahil sa aking sweetness kaya pati mga langgam hindi maresist ang appeal ko.

Kaya’t napatunayan kong isa akong masarap na nilalang. Kadalasan nga walang masarap na ulam sa canteen, ako lang! Kaso wala pang nakakatikim sa akin tanging mga langgam at aso pa lang ang nakatikim sa aking pinagnanasaang mouth-watering oozing body.

Meat. Tama lang ang halo ng taba at ng karne. Kasi kung lean meat lang hindi rin masyadong nakakatakam yun, kaya naman meron konting taba para di naman masyadong bland ang panlasa. Tamang protein at cholesterol lang.

Seasoned. Mahilig akong kumain ng maalat, matamis, maasim at kung anu-ano pa. Pati rin mga chichirya at mga processed foods, kaya naman siguradong malasang-malasa lahat ng laman ko. Marinated na ako para talagang masarap na masarap.

Bone Marrow. Malinamnam talaga ako kahit sa kasuluk-sulukan ng mga buto ko. Lalo na yung mga bone marrow ko, masarap at talagang malinamnam. Kaya nga pwedeng-pwedeng supain* ang aking mga buto.

Brain. Hindi kayo magsasawa dahil punung-puno at malaman na malaman. Malinamnam din at talagang nakakatakam ang sarap. Medyo nakakadiri lang kasi may pagka-moss green ang kulay ng utak ko, pero kapag natikman naman tiyak na hahanap-hanapin niyo.

The Very Private Part. Ito ang very mysterious part ng katawan ko, better left undefined.

Masarap talaga akong nilalang. Sayang nga lang wala pang nakakatikim sa akin. Masuwerte ang unang makakatikim sa aking alindog. Yun nga lang, kailangan ko ring mag-ingat kasi baka machop-chop ako.

*Supa – the action of sucking the bone marrow from the buto. Just like the act of sucking in Bulalo

————————————————-

Siyangapala, nag-guestblog pala ako. Kung gusto niyong magbasa ng kakaibang Billycoy pumunta at magbasa kayo sa aking pag-guestblog ko sa blog ni Chico. Basahin at alamin ang aking First Time.