Desired Positions in…

Kapag tapos na sa pag-aaral o college, siyempre kailangan ng maghanap ng trabaho. Unless, mas gustong tumunganga sa loob ng bahay, maging palamunin at magpakamatay sa panonood ng mga teleseryes sa harap ng TV. Maraming job openings ngayon lalo’t summer dahil maraming mga graduates. Kaso karamihan naman opening ngayon ay para dun sa call centers. Of course, lahat naman tayo gusto umupo sa posisyong hinahangad at related sa tinapos natin. Hindi yung makipagtelebabad sa mga eng-eng at mga inaamag na utak na mga kliyente habang nagpapakamatay sa pagpupuyat habang nakatuhog sa magkabilang tenga ang headset. Though, marangal at malaki kita ang maging ahente sa call center, nakakahinayang lang kung di magagamit ang natapos at magawa ang pinakaaasam na trabaho.

Syempre ako masaya ako sa trabaho at ginagawa ko, kasi ito ang tinapos ko. Hindi rin naman mawawala na meron pa akong ibang jobs na inaasam. Kaso hetong mga inaasam kong trabaho wala sa mga pages ng classified ads, o kahit man lang sa mga dahon at mga nakapaskil sa mga poste katabi ng mga “Wanted: Bed Spacer” at “Bawal Umehi Dito.”

Position Desired: President/CEO of Multinational Company
Sarap ng feeling maging President/CEO. Nakaupo na lang sa isang malaking upuan sa loob ng isang malaking kwarto habang tanaw sa bintana ang magandang view ng syudad. Papirma-pirma na lang ng mga papers at nakikinig sa balitaktakan at nagpapatayang mga board members. Pipindot lang sa speakerphone at sasabihing “Hoy babae, bigyan mo ako ng kape dito!” o kaya “Hey sexy, let’s have a dictation in my office!”

Position Desired: Nawawalang Anak ni Bill Gates
Laking tuwa ko kung isa ako sa nawawalang anak ni Bill Gates. Kapag pumanaw kasi si Bill Gates, 0.01% lang ang ipapamana niya sa kanyang mga anak at the rest sa charity na ibibigay. Ang 0.01% na mana ay nagkakahalaga lang naman ng $10 million. Syempre mas gusto ko mas malaki makukuha o kaya lahat ng pera niya, gagayahin ko na lang ang mga ginagawa ng mga kontrabida sa teleserye para makuha ang yaman na yun.

Position Desired: Sex Slave ni Rhian Ramos or ng Sadistang Beauty Queen
Napanood ko minsan sa TV na mahilig si Rhian Ramos mangolekta ng feathered handcuffs. Kinky di ba? Kaya willing akong mag-apply bilang maging sex slave ng magandang dilag na ito. Kahit abut-abot na peklat sa likod at sakit mararanasan ko basta si Rhian Ramos o isang Sadistang Beauty Queen ang aking dominatrix, abot-langit na ligaya na yun.

Iyan ay ilan sa mga desired careers ko. Sayang wala ang mga yan sa classified ads ng dyaryo dahil agad-agad akong mag-aapply sa mga posisyon na iyan. Since wala naman ang mga posisyon na yan sa mga ads, posisyon na lang sa kamasutra ang aalamin ko.

———————————
Mababasa niyo pa rin ang kakaibang Billycoy at ang aking First Time sa blog ni Chico.