One Strange Family

Ilang beses ko na ring napakilala sa inyo ang best friend kong nasa US na si Em-em. Currently nagwowork na siya doon. Pero malamang nagtataka kayo kung saan niya nakuha ang kanyang superpowers at kung anu-ano pang kaartehan. Very biological at genetics lang naman kasi yun, buong angkan yata nila may kakaibang taglay na kapangyarihan. Kaya naman ipapakilala ko sa inyo ang kanyang pamilya, ang pamilya Malabanan.

Em-em (aka Metroman) Malabanan
Powers: Uber strength. Uber Speed at kung anu-ano pang ka-uberan. Flight. Heat and x-ray vision. Fashion critique. Social hiker. Have a highly developed konyo language.
Status: Bunso sa magkakapatid na Malabanan. Nasa US upang makipagsapalaran sa mga Super Villains gaya ni Bush at Anna Wintour. Ang bagong Pinoy member ng JLA. Insecure kay Superman. Crush na crush naman ni Wonder Woman kaso ayaw niya naman dito. Hindi nagsusuot ng tights at spandex dahil against ito sa kanyang fashion sense. Madalas makipag-away din sa ibang members ng JLA. Siya rin ang dakilang pasaway sa office ng JLA. Kamakailan napasok sa eskandalo na kabilang si Enerva.

Gretta Malabanan
Powers: Uber daldal. Uber Ingay. Uber Palengkera. Uber hearing powers. Uber chismosa.
Status: Pangalawa sa magkakapatid na Malabanan. Kasalukuyang tindera sa palengke ng Nepa-Q Market. Sumasideline at sume-segue bilang Barker sa Quiapo at Baclaran. Madalas mapaaway dahil sa mga kinakalat na tsismis. Siya’y nag-aapply bilang gossip writer sa isang sikat na magazine, pero ok na rin daw sa kanya sa mga tabloids.

Onok Malabanan
Powers: Unknown or none
Status: Ang panganay sa magkakapatid. Umalis ng kanilang tahanan upang hanapin ang nawawalang ama. Napabalitang nagpunta ng Tibet upang magtanong sa Dalai Lama. Napadaan din daw sa Vatican para maghanap ng madreng madedevirginize. Mahilig sa kwek-kwek at nagpapalaman ng bagoong sa pandesal.

Mr. Malabanan
Powers: Unknown or none
Status: Ang padre de pamilya at haligi ng tahanan ng pamilya Malabanan. Sinasabing pumanaw na habang nagsasagawa ng research sa Himalayas. Tinutulan ng kanyang anak na si Onok ang balitang patay na nga si Mr. Malabanan kung kaya’t hinanap niya ito sa iba’t ibang panig ng mundo. Pero sabi sa mga tsismis ay buhay pa nga raw itong si Mr. Malabanan ngunit nag-ibang anyo na… babae na raw siya!?

Mariang Malabanan
Powers: Unlimited Multiple Orgasm. Eternal Youth and Beauty. Extremely Talented MILF¹.
Status: Anak ng kilalang bodabil² pornstar. Ang ilaw ng tahanan sa pamilya Malabanan. Hiwalay na kay Mr. Malabanan. Pumunta na rin ng US dahil napetisyon ng anak na si Em-em. Maligaya sa US dahil nae-experience niya raw ang iba’t ibang sizes, mge estilo at posisyon doon. Yun nga lang daw, sumusuko ang mga nagiging lalaki niya dahil may quota siya na 50 rounds a day.

Billycoy Dacuycuy
Powers: Uber Gwapo. Uber Sex Appeal. Kumakapit sa pader gamit ang nguso. Nagkakaroon ng matitigas na scales kapag nababasa. Kumakain ng lumot.
Status: Kinakapatid at best friend ni Em-em. Dakilang fan ng pamilya Malabanan. Nakagat ng isang radioactive janitor fish na si Pokky kaya nagkaroon ng kakaibang taglay na powers. Kinikilalang USB at VSB. Masarap at malinamnam. Dakilang Bad Influence.

Hayan nakilala niyo na ang pamilya Malabanan at ilang tao sa paligid nila – ako lang yata yun. Masyadong kakaiba ang mga taong ito kaya naman naging fan na ako ng istorya ng kanilang pamilya. Marami pang pwedeng mangyari sa kanilang pamilya kaya naman umaantabay ako sa kanila.

Fan nga lang ba ako ng kanilang pamilya o sadyang usisero lang ako?

¹MILF – Hot Momma!
²Bodabil – variety show noong di pa masyado at wala pang TV