Home Alone

Mahirap pala talaga ang maging mag-isa sa buhay. Paano ba naman mag-isa ako ngayon sa bahay ngayon at apat araw akong makukulong mag-isa sa loob ng bahay. Tanging si Olympus, ang aming minpin, lang ang makakausap ko. Sana nga naman nagsasalita siya para di naman ako mukhang baliw na nakikipag-usap sa kanya. Pwede naman akong lumabas ng bahay, yun nga lang kasi masyadong metikuloso ang security ng aming tahanan. Merong fingerprint scan, eye scan, blood test, voice recognition, password encoding, desanitation, interview at secret handshake bago makapasok ng bahay. Aabutin lang naman ng 12 hours sa security lock ng aming bahay.

Feeling ko nasa bahay ako ni Big Brother ngayon. Yun nga lang walang nakapalibot na cam dito, pwera lang sa webcam kung sakaling maisipang kong mag-‘show’. Buti na nga lang nagagamit ko pa naman ang mga TV, PC at nakakapagpatugtug pa ako ng ubod ng lakas sa aming component. Kaya nga heto nagdidisco ako mag-isa dito sa aming house. Talagang hataw, giling, headbang at nagmoshpit sa mga unan habang pumuputok na ang mga eardrums sa lakas ng mga tugtug. Pumasok na nga rin sa isip ko na maglakad-lakad sa buong kabahayan in the nude habang kumakanta ng “Ting-a-ling-a-ling-ding-dong!”

Heto pa man din dapat ang panahon na masarap… este masayang kasama ang juwawhoopers. Yung talagang bonding time sa lahat ng parte ng bahay, sa salas, sa dining table, sa kusina at habang nagpapagulong-gulong sa ilalim ng kumot at mga unan. Kaso wala talaga, tanging unan lang mga kayakap ko. Hindi ko naman pwedeng patulan ang aso naman, dahil una sa lahat lalaki yun, kung babae sana siya baka maisipan ko na rin.

Pero dahil nga mag-isa ako nakapag-meditate at nakapag-recollection din ako. At sa aking pagninilay-nilay at pag-iisa marami akong natutunan.

  • Marunong pala akong maglaba. Salamat sa Surf Gold at napapabilis ang aking paglalaba. Pwede na talaga akong maging sex slave ng aking magiging Sizzling Hot Sadist Beauty Queen Girlfriend.
  • Hindi pa pala ako marunong magluto ng adobo, muntikan na siyang maging kilawing manok sa asim.
  • Hindi naman pala nakakalason ang panis na laway, mabaho lang talaga.
  • Mainam naman pala talaga sa halaman ang kausapin ito, yun nga lang nagmumukha akong tanga kapag ginagawa ko yun.
  • Ubod ng init ng panahon and I’m getting hotter and hotter.
  • Madalas ang pagiging mahalay kapag mag-isa.
  • Hindi ko kakayanin maging malibog sa loob ng apat na araw. Baka dugo na ang lumabas sa akin kung magpapadala ako sa mga temptations ng porn at internet.
  • Higit sa lahat, ang gwapo ko pa rin kahit ako lang mag-isa sa bahay.

Kakailanganin ko ang inyong suporta. May ilang araw pa ako dito sa bahay, kayanin ko pa kaya? Mag-abstinence kaya ako sa mga mahahalay at maruming pag-iisip, kayanin ko kaya yun? Magiging banal pagkatapos ng apat na araw na pag-iisa? Ano ang masarap na sawsawan ng squidball, sweet and spicy sauce o choco hot fudge?