Fecal Dreams


Ang mga panaginip ay tunay na kakaiba. Ibang iba sa reyalidad na ating kinamulatan. Weird, ika nga. Isa ako sa mga biktima ng mga kakaibang mga panaginip na iyon. Pero ang mga dreams na ito ay mga pangitain o may kaugnayan sa subconscious nating kaisipan. Kung ang mga panaginip ay freakishly weird na, haluan mo pa ito ng ebs, jerbaks, jebs, poop, crap, syet, jerbakuls o mas kilala bilang tae, ano na ang meron sa dream na ito? Ubod na ng baho at ka-weirdohan ang aking dreamworld.

Nagkaroon ako ng ilang panaginip tungkol sa mga jebs. Hindi ko nga alam bakit naman sa lahat ng aking napanaginipan ay heto pa ang naaalala at talaga namang nilamutak at pinahid na itong jebs sa ulo ko at nabulok habang sumisingaw ang amoy nito sa mga neurons at sumiksik loob ng aking utak. Hindi naman siya recurring dream. Isa itong mabahong alaala bakit yun pa dapat kong matandaan? Pwede ko naman sigurong maalala yung mga sexcapades ko sa aking mga wetdreams pero bakit tungkol sa ebs pa!

Dream #1
Yung una kong panaginip, provincial setting. Maraming puno sa paligid, sariwa ang hangin at naaamoy ang mga dahon ng mga puno at halaman. Hindi sementado at lupa pa ang naapakan, yung talagang malagkit na putik ang kalalabasan kapag nababasa. May mga kawayang bakod pa nga ang mga kabahayan sa paligid. Very fresh, calming and soothing ang pakiramdam. Pero dahil probinsya nga, marami ding hayop sa paligid, at ang mga hayop sa paligid sa dream kong iyon ay mga kabayo pa.

Ewan kung bakit kabayo pa ang mga animal na ‘to pwede namang mga cute na rabbit at hamster o kaya ang adorable na si Godzilla. Kaso kabayo talaga, since mga horse nga ang nag-exist sa dream kong yun, nagkalat din ang kanilang jerbaks sa paligid. At weird pa dun, tubol pa, yung tubol na korteng longganisa. Mukhang normal naman ang mala-longganisang tubol sa lupa, pero hindi pala sila ordinaryong jebs. Kapag naaapakan ang mga tubol na ito, may sumisirit na pagkataas-taas na likido sa magkabilang dulo ng mga ebs na ito. Kaya naman nagkaroon ng mga fountain of ebs juice sa unidentified province na napuntahan ko sa panaginip kong iyon. Hindi ko lang maalala kung nasiritan ako ng ebs juice noon, if ever… EWW!!!

Dream #2
Yung sumunod ko namang dream, naganap naman sa unibersidad na pinag-aralan ko sa Taft Ave. sa Maynila. Natatae daw ako sa dream kong yun, kaya naman pumunta ako sa isang CR sa taas ng unibersidad. Pagpasok ko sa cubicle, may dalawang toilet bowl. Isang cubicle with two bowl, weird na di ba? Yung isang bowl, maliit lang parang pambata, yung isa naman malaki pero gawa sa marmol ang seat nito. Since sosyal ako, dun ako sa malaki at may marmol na inidoro.

Success naman ang paglabas ng aking jebs. Di ko lang alam kung basa o tubol. Nung nai-flush ko na, nagflush naman ng maayos, pero kakaiba pagkatapos ng flush. Parang nag-growl yata yung tubig ng bowl, yung sound niya “grug-grug-grug-grugg-grug. Di ko pinansin, lumabas na ako ng CR. Di ako sure kung nagpawpaw* at kung naghugas ako ng kamay pagkatapos mag-jebs. Nung bumaba at nasa ground floor na ako, nagwawala at nagpapanic ang mga tao. Nagtatakbuhan, may gumugulong at nagmomoshpit sa kaguluhang nagaganap. Lumilindol ng malakas sa unibersidad at maririnig pa rin ang malakas na “grug-grug” ng inidoro. Maya-maya tumingin ako sa hagdanan, gusto ko ng magcartwheel dahil sa gulat sa aking nakita. May tubig na umaagos sa hagdanan. Ang tubig na iyon ay galing dun sa inidorong ginamit ko.

Hindi ko alam ibig sabihin ng mga panaginip kong iyon. Ang baho talaga ng dreams kong mga iyon, pati tuloy ang entry na ito mabaho na rin. Sabi nila kapag nakaapak daw ng ebs swerte raw, pero kung sa panaginip, ano kaya?

This post is dedicated to Mr.D

*Pawpaw – the act of paghuhugas ng pwet pagkatapos magjebs.