Liquors on Eyeballs

Naparusahan ko na naman ang aking kanang kamay nitong Sabado ng umaga. Umuwi ba naman ng sheng-sheng ng bahay. At nalaman ko na naman kung anong kalokohan at kasiraan ang ginawa niya, kung kaya’t ako ay degraded at demoralized na naman. Kaya ngayon, gine-grate ko ang mga palad at talampakan niya parusa sa mga ginawa niya.

Nagkaroon daw kasi ng blogger’s inuman session nitong nagdaang Friday night sa Dencio’s Metrowalk sa Ortigas. Dumalo sa nasabing inuman session sina Rens, Kevin, Jhed, Aaron, Joe, LA, Chris, Ate Apple, Doc Tess, Jay-jay, Darwin, Jeff, Pierre at ang mastermind ng supposed-to-be-sex-orgy-turned-inuman-session na si Shari. Going Dutch – kaya pala naghahanap ng Dutchmaid costume ang alipin ko – or KKB ang plano sa inuman, pero since mababait naman at galante ang mga matured bloggers kaya nagging sponsor na lang sila.

Nagkita-kita ang mga bloggers sa YooHoo bago tumuloy sa Dencio’s noong nakumpleto na. Nakakapanghinayang kasi walang naganap na sex orgy. Pero sa pagkakaalam ko meron dapat magshoshowdown dun na mala-Beyoncé vs. Shakira sa paggiling. Hindi rin daw naganap ang pagseduce at pagsayaw ni Shari ng Toxic ni Britney Spears sa ibabaw ng lamesa sa YooHoo. Ang kanang kamay ko naman nagbalak din daw magshow, kaso hindi niya na lang ginawa baka kasi magkaroon ng mass killing at makagawa pa ng trahedya sa masayang gabi sa Metrowalk.

Masaya ang naganap na inuman session sa Metrowalk. Pinag-usapan ang mga hot na hot na topic sa panahon ngayon; Sex at Politics. Sinusundutan rin ng mga topics tungkol sa medicine at ng braided umbilical cord na pinaiikot-ikot pa at ginawang fashion statement, tight-leathered outfits at BDSM. Maya-maya lang babalik na naman sa topic na sex. Hindi ko nga rin alam kung bakit pabalik-balik sa sex, gawa siguro ng pagtitipon ng mga sexually inclined na tao sa blogosphere na sina Shari, L.A. at ng aking alagad. Buti na nga lang dumating si Pierre at nandun si Jeff para kahit papaano napupunta sa politics ang usapan. Kung wala siguro sila, baka natuloy at nagkaroon ng malawakang sex party sa Dencio’s at sa buong Metrowalk.

Masayang natapos ang gabi… este umaga na pala. Wala namang nasheng-sheng ng sobra-sobra, tama lang. Pero talaga namang nag-wet at nag-water water sila sa mga nangyari nang gabing/umagang iyon. Kung nasheng-sheng siguro sila ng husto, baka dumiretso na sila sa Sogo o kaya umupa na ng kwarto sa Shangri-La para ituloy ang plano ng orgy. Kaso kulang pa talaga ang alcohol. Maraming nangyari, lalo na noong madaling araw. Wala nga lang torohang naganap sa lamesa ng YooHoo. Safe namang nakauwi lahat ng bloggers, so far wala naman daw na-molestiya ng kapwa bloggers at virgin pa ring umuwi ang aking alagad.

Kaya sa mga bloggers na dumalo ng Inuman Session na ito, a bitchslap to you all!

At sa mga di nakadalo… ma-dead kayo sa envy!

Sex party na raw ang susunod kaya naman i-prepare niyo na ang inyong mga BDSM costume.

Trackbacks get on the floor, trackbacks I want some more… and more stories: