Sucking Sickness

Ngayong panahon, ang dami ng naglalabasang mga bagong sakit. Kaya nga todo research ng mga antipatiko at siyentipiko para lang makahanap ng mga gamot para sa mga sakit na ito. Pati sakit ng hayop napapasa na rin ng tao, gaya ng mad cow disease ā€” matagal na akong infected nito ā€” at ng birds flu. Birds’ flu rin ang sakit ng mga kalalakihang impotent. Dumapo na rin ang mga sakit na AIDS, SARS, cancers, dementia, schizophrenia, hypertension at pati mga bulsa rin nagkakasakit na. Heto nga sinisipon ako, buti na lang masarap siya, pwedeng ipangsabaw sa kanin.

Kaya naman sa pagkarami-raming sakit, ang dami rin namang causes nito. Food, environment, sex, stress at kung anu-ano pa. Lahat na lang yata ng bagay ay cancerous na rin. Ang ibang sickness ay nakakahawa na rin, pati adiksyon sa mga koreanovelas at teleserye kumakalat na. Mabuti na lang matibay ang immunity ko sa mga ganyan, maliban na lang sa mga porn at FHM.

Sa dami na ng sakit ngayon, mas mabuti na ang prevention kaysa lunas. Prevention is better than cure. Kaya habang maaga dapat gawan na ng kilos bago pa mahuli ang lahat.

  • Huwag ng kumain ng kahit ano. Lahat naman na kasi ng makakain ngayon cancerous na, kahit pa ang mga organic foods.
  • Magdala ng isang paso ng halaman kahit saan. Polluted na kasi ang mundo, kaya magdala na lang ng plants, para nafifilter nito ang hangin bago niyo pa ito malanghap. Mas effective ito kung magtatanim ng halaman sa nostrils niyo, para salang-sala ang hanging malalanghap.
  • Uminom ng galon-galong Del Monte pineapple juice. Taglay kasi ng pineapple juice ang phytochemicals na nakakatulong magprevent ng cancers. Ganun din ang vitamin C, na tulong din sa paglaban at pagpapatibay ng immune system. Expect nga lang na magiging hari o reyna sa inyong trono kayo afterwards niyong uminom ng ganito karaming pineapple juice.
  • Lumaklak ng Tomato Ketchup at Tomato Sauce. Merong lycopene ang mga tomatoes na siya ring tumutulong magprotekta laban sa cancer. Kikinis din ang kutis na katulad ng kamatis dahil meron din itong anti-oxidants. Sa mga bagong tule, walang problema dahil hindi naman kayo mangangamatis dito.
  • Abstinence sa sex. Ang mga nakakahawang sakit gaya ng AIDS, Hepa, HIV at kung anu-ano pa ay napapasa sa pakikipagpopoyan. Kung nais magparami, magpaclone na lang. Effective na sa akin ang mabasa ng tubig para dumami. Hindi ko nga lang kaya mag-abstain lalo’t di pa ako nakakaranas ng popoy.
  • Isipin ang mukha nila Madam Auring at Michael Jackson. Mukha pa lang nila iisipin mo na talagang pahalagahan mo na ang iyong buhay.

Maraming bagay para maprevent at maiwasan ang mga sakit. Pero hindi naman dapat maging hadlang ang prevention na ito para mamuhay ng maayos at masaya. Napakasayang mabuhay kaya di dapat maging OC (Obsessive-Compulsive) sa lahat ng bagay para lang maprotektahan ang sarili laban sa mga illness.

You only have one life to spend, will you waste it on being “safe” all over your lifetime?

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com