Nothing New in News

“Never awake me when you have good news to announce, because with good news nothing presses; but when you have bad news, arouse me immediately, for then there is not an instant to be lost.”
Napoleon Bonaparte


Hindi na rin ako madalas nanonood ng news ngayon sa TV man o sa radyo. Puro masasamang balita at halos paulit-ulit na lang ang mga pinapakita nila. Patayan, kurakotan, bangayan, politikahan at puro kahihiyan na lang. Kailan pa ba nakasagap ng magandang balita? Lahat naman yata ng balita ay bad news. Kahit di naman ako nanonood, updated pa rin naman ako, lalo na sa mga palabas sa sine.

Sa mga news, mas gusto nating makabalita yung mga nais nating mangyari para sa atin at sa ating bayan. Kadalasan nga lang contradicting sa mga nais natin ang mga nagaganap. Kaya hayan puro protesta at pagtuligsa sa mga hindi natin gusto na ginagawa nila.

Headlines: Sa mga balita, dapat mauna ang mga headlines, kaya nga sila ulo ng mga balita. Laman ng mga headlines ang isang napakagrabeng balita, mapa-politika man yan o lalaking nasagasaan ng trak sa C5 at kumalat ang kanyang mga laman at utak sa kalsada. Kaya naman dapat powerful at talagang controversial ang inyong ulo… ng mga balita.

Good News: Madalas sa mga news program ang magkaroon ng ganitong segment. Ang kaso tuwing nakakapanood ako ng ganitong balita, lagi na lang mga solian ng pera ang nakikita ko. Mga tangang pasahero na nag-iiwan ng limpak na limpak na salapi sa mga taxi tapos hetong bait-baitang driver pupunta sa TV/Radio station para magsoli ng pera. Lagi na lang ganun. No biggie yun, ang tunay na good news ganito:

Showbiz/Chikka Minute: Big deal sa mga showbiz news ngayon ang magpakita ng balat. Magpakita nga lang yata ng balikat nagpapaseksi na. Kahit nga hindi naman kaseksihan tinatawag na nilang “pasexy”. Ganun na ba kahayok sa laman ang pinoy? Ano naman kung magsuot ng two-piece ang pa-tweetums wholesome image kabanal-banalang birhen kunong artista, o di kaya magpakita ng utong ang kalalakihan? No big deal din, big deal ang pagpapasexy kung ganito:

Sports News: Noon basketball lang ang tinatangkilik na sports ng Pinoy. Ngayon medyo lumawak na ang horizon natin sa iba’t ibang klaseng sports. Nadagdagan na rin kaalaman natin sa soccer, frisbee, boxing, badminton, chess, scrabbles at sungka. Medyo nawala sa eksena ang PBA pero heto lumalakas na naman. Pero bukod kina James Yap at kina Caguioa na nagpalakas muli sa pangalan ng PBA, may iba pang balita na magpapalakas muli dito.

Sex News: Walang ganito sa mga balita, at malamang wala talagang maglalagay nito. Pero bakit ba? Gusto ko ang ganitong klase ng mga balita. Nasa makabagong panahon na ngayon at kailangang madagdagan naman na ang categories ng balita. Pero kabigla-bigla at kaabang-abang ito kung ganito ang balita:

Kung ganyan lang siguro ang mga balita, siguro matutuwa pa tayo — pwera dun kay Cristy Fermin. Hindi naman natin hawak ang paggalaw ng mundo kaya iba tuloy ang mga nangyayari. Salamat na lang din sa mga news na ito, nalalaman natin ang mga kaganapan sa ating paligid. Kung walang balita sa TV, radyo o dyaryo, andyan naman ang tsismis, mabilis ding kumalat!

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com