Buffing Up the Scales

Sa panahon ngayon, marami na ang tumataba. Kasi nga naman mas madaling magpataba kaysa magpapayat. Pero kahit madaling magpataba, meron pa ring mga tao na kahit anong kain o lapa sa pagkain ayaw tumaba. Kung sa babae ok lang yun, marami ngang naiinggit sa mga ganung klaseng katawan, pero kung sa lalaki naman na ubod ng payat pero ang pagkain ay bandehado at sako-sako na, nakakailang.

Noon, tumitimbang lamang ako ng 125-130 lbs, pero ngayon 152-155 lbs na ako. Tama lang para sa height kong 5’9″ ang aking BMI (Body Mass Index). Marami nga ang nagulat noong lumaki — kaysa tumaba — akong ganito kasi lalong lumitaw ang aking makamandag na kaguwapuhan at sex appeal. Kaya nga mas yummy ako ngayon kaysa noon na bulalo lang ang kaya kong i-offer.

Ano ba ang sikreto kung paano ako lumaki ng ganito?

  1. Alamin kung anong body type. Hindi naman kasi lahat blessed na magkaroon ng magandang genetics. May tatlong body type: Ectomorphic (o yung mga buto’t balat lumilipad), Mesomorphic (yung may tamang pangangatawan) at ang Endomorphic (ang mga juba). Tatlo lang yan, pero pwede namang combination din.
  2. Kapag nalaman ng ectomorph at hardgainer sa paglaki ng katawan, magset na ng realistic goals (e.g. ilang pounds madadagdag bawat buwan, ilang babae/lalake ang quota sa isang gabi).
  3. Baguhin ang diet, instead na 3 meal, gawing 6 adequate meals a day — most suggested ng nutritionist sa kahit anong body types — dahil minomoderate nito ang iyong mabilis na metabolismo. Isama mo na rin ang mga plato, kubyertos at baso sa iyong pagkain.
  4. Dagdagan ang protein intake per day. Mayaman ang karne nito gaya ng beef, pork, chicken at pati mga fishes nito. Kung nag-iinarte at vegetarian/vegan kuno, mayaman sa protein ang soya products like tofu at taho. Maaari ding isama ang karne ng tao dahil mayaman din ito sa protein.
  5. Huwag masyadong gumalaw at magpapawis dahil bawat pawis na iyan katumbas ang ilang calories sa katawan. Maging batugan at inutil para di na masyadong kumilos o kaya ilagay ang sarili sa freezer para mapreserve lahat ng calories sa katawan.
  6. Magbomba ng hangin sa katawan para lumaki-laki naman ang hitsura.
  7. Uminom ng gatas at least twice a day, basta ang isa bago matulog. Piliin ang skim milk para walang milk fat na makokonsumo. Nagtataglay din kasi ito ng milk proteins na nakakapagpabagal ng metabolismo sa pagtulog at ganun din sa masarap na pagtulog. Gatas ng baka ang tinutukoy ko dito at hindi ang gatas na nilalabas ng inyong kapartner sa tuwing magkatabi kayo sa kama at pareho ding nagpapasarap ng tulog.
  8. Kung nais talagang bumigat ang timbang, kumain na lamang ng weight plates. Tiyak na mabilis na pagbigat ng inyong timbang kapag ginawa niyo ito. Isama na rin ang pagkain ng mga bakal, martilyo, bowling ball at ng kung anu-ano pang mabigat.

Napakaraming paraan kung nais talagang magpalaki or magpanormalize ng built ng katawan. Pero kung talagang ayaw talagang lumabas ang inyong mga pecs at abs, bumili na lamang ng pentel pen at drowingan ng pecs ang inyong dibdib at 6-packs kahit pa 125-packs ang inyong tyan.

Kaya ngayong medyo lumaki na ako, lumabas na rin ang aking Habs (Hangin + Abs). Meron na rin akong mga cuts; pwedeng pang adobo, pork chop, steak at giniling.

ANO ‘TO?

Mga isipan at muni-muni na walang kwenta, kalokohan, kagaguhan, kabalahuraan, kaututan at katarantaduhan. Nilikha para sa mga isinasantabi pansamantala ang kanilang katinuan.

Subscribe to Blog via Email

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Feedback and suggestions. Kape tayo? i.am@billycoy.com