Booze Overload I: Levels


Kung di niyo natatanong kasi wala namang nagtatanong, pamilya kami ng mga sabik sa alak. Nananalaytay na yata sa bloodstream namin ang alcohol. Isinama na yata sa genes ng aming pamilya ang 70% isopropyl alcohol. Ang lakas nilang uminom lalo na sa father’s side ko, mapalalaki man o babae, Red Horse pa ang paborito. Ang lolo ko nga 70 years old na noon, nakikipag-inuman pa sa labas kasama ng mga barkada niya.

Namana ko rin yata ang genes na yun. It runs in the blood talaga. Medyo mataas din kasi tolerance ko sa alak, serbesa at gatas. Lalo na noong later days ko sa college, madalas kaming mag-“patayan” noon sa inuman. Patayan ang tawag namin sa inuman na aabutin ng umaga na di pa rin tumitigil sa pag-inom, survival of the fittest.

Nang dahil sa sandamakmak na inuman na ring napuntahan ko, na-obserbahan ko rin ang aking tolerance level sa alcohol. Kaya nga heto at meron na akong analysis sa aking mga alcohol tolerance levels.

Billycoy Alcohol Levels:

Level 1: Maayos pa ako nito pero may konting hint na sa akin ang alak. Inaantok o kaya medyo masakit ang ulo. Ang San Mig Light hanggang ganitong level lang sa akin. Mababa kasi ang maltose content kaya hindi ako nagkakaroon ng sugar rush. Walang kwentang inuman kapag ganitong level lang ang inabot ko.

Level 2: Nagsisimula na ang katimangan ni Billycoy. Normal lang na madaldal ako pero kapag level 2 na ng alcohol sa akin, i-multiply mo pa sa tatlo o apat ang aking kadaldalan at kakulitan. Nagiging caucasian na rin ang aking morenong balat. Umeepekto na ang sugar rush sa aking bloodstream. Palakad-lakad na rin ako sa paligid para makaiwas sa mga susunod na rounds. Pangmodel ang lakad ko sa ganitong level.

Level 3: Sheng-sheng na pero maayos pa ring maglakad. Hindi na umaamin kung lasing na at hangga’t maaari gusto pang uminom. May mga trip na, pwedeng nagwawala na sa pagsasayaw, palagiang gutom at gusto na lang kumain, nagsasalita ng english, nabubuyo na rin sa pagyoyosi kahit ayaw talaga, at pwede na ring utuing kumain ng bubog. Maayos at pangmodel pa ring ang paglalakad. Sa ganitong level na ako kadalasang humihinto sa pag-inom dahil di ko na gusto ang lasa ng mga inumin. Rare akong lumagpas sa ganitong level.

Level 4: Wala na. Patay na. Blockout at wala na akong maalala sa ganitong level. Lumalabas ang subconscious aktibista at pa-english english pa. Emo badass na si Billycoy sa ganitong level. At dahil nga vulnerable na sa ganitong kalagayan, maaari na akong gahasain basta’t wag lang akong hahalikan ng torrid sa lips dahil baka masukahan ko lang ang bibig ng hahalik. Kahit pa i-gangrape ako ng mga kababaihan hindi ko na siguro maaalala yun. Isang beses pa lang nangyari sa akin ito saka wag na kayong magtanong kung anong nangyari sa akin dito dahil di ko rin maalala. Malamang na-devirginize na ako ng di ko alam.

Ilang bote rin ang pagitan bago humantong sa bawat levels. Sa mga nagdaang inumang napuntahan ko, hanggang level 2 lang ako kadalasan. Wala pang nagpaabot muli sa Level 3. Sabagay, di na rin kasi ako umiinom ng marami ngayon, health conscious na rin kasi ako. Ayaw ko rin kasing tubuan ako ng pakwang beer belly sa tyan. Saka ayaw kong umabot sa level 4 baka kasi madevirginize ako ng di ko maalala, syempre mas mabuti kung may maalala ako kapag naganap yun, kahit ma-rape pa ako. Ngayon siguro ang mga natatakam sa akin dyan, alam niyo na kung paano ako mare-rape.

Basta tandaan lang, sabi nga sa Red Horse:

UMINOM LANG NG MAY TAMA.