Why It Happened?

Ilang beses ko na rin bang nababanggit sa blog ko na VSB at USB ako. Kahit na ilang beses ko naman yatang inulit-ulit ang mga bagay na yun marami namang hindi naniniwala. Virginity na nga lang ang natitira sa aking pagkatao ipinagkakait pa. Since, hindi naman ako namimilit, hindi ko na ipipilit mamilipit sa sipit ang kilikiling inipit ang pipit — ano daw? In other words, I won’t force anyone to believe me.

Kaya naman marami ding hindi naniniwala dahil hindi pa nila alam ang tunay na dahilan ng pagiging VSB at USB ko. Marami pa ring naku-curious sa aking pathetic na kalagayan. Kaya naman bibigyang linaw ko na ang inyong mga malabong mata at ibunyag na naman ang aking mga kahihiyan. Mababawasan at mabababoy na naman ang aking image at reputasyon — kung meron pang natitira — sa gagawin kong ito. Ipagbibigay alam ko na ang mga dahilan ng aking pagiging VSB at USB kung sakali mang may naniniwala pa.

  1. Suplado daw ako. Isang malaking misconception, dahil hindi naman pwedeng ngumiti at tumawa ng mag-isa baka ibalik na naman ako sa Makati Med Asylum. Alanganin namang ngumiti ako sa mga di ko rin kakilala masyado dahil hindi naman ako artista though artistahin talaga ako.
  2. Pabling o bolero daw ako. Isa na namang misconception. I’m blessed with uber-majestic mouthwatering oozing great looking face and undeniably titillating luscious sex appeal. Hindi ko naman kasalanan yun, blame it on the genes. Pero sa mga nagsasabi nito, grateful at extremely flattered ako dahil katunayan lamang yan ng mga sinasabi ko ngayon. Thanks sa mga ganitong reactions.
  3. Uhugin ako. Kung nag-uumapaw ang aking kagwapuhan, umaapaw din naman ang aking supply ng sipon sa ilong. All-year round yata akong sinisipon. Pagkatanda-tanda ko na uhugin pa rin, nakakahiya naman talaga yun. Advantage lang meron kaming pandikit at glue kapag nasa green level na ang aking sipon o kaya pang-sabaw sa kanin kapag palaging prito ang aming ulam.
  4. Banal at disente daw akong tao. Nang dahil nga sa first impressions, napagkakamalan akong good boy dahil na rin siguro sa mga pagkilos at postura ko. Hindi lang nila alam kung paano sila nauuto ng kanilang mga first impressions sa akin. Hindi po ako santo at wag kayong papaloko sa good boy image ko. Alam ko naman kasing tao ang gustong makapartner ng mga babae hindi santo o diyos.
  5. Intimidated sila sa akin. Magsama-sama ba naman ang kagwapuhan, sex appeal, postura, kahalayan at kung anu-ano pa sa akin, malamang na mahiya sila akong makasama. Huwag silang mag-alala, hindi naman ako nangangain ng tao, nanglalapa lang. Kahit di naman ako tao, very approachable at accomodating po akong nilalang, lalo na dun sa mga manlilibre sa akin.
  6. Mataas ang aking standards. Lagi ko kasing hinahanap yung ideal girl ko sa isang babae kaya talagang hirap akong makakuha ng juwawhooper/s. Though hindi naman lahat ng requirements ko sa aking ideal girl ay kailangan, nahihirapan lang talaga akong mangilatis sa mga nagiging prospect ko. Kaya nga hangga’t maaari, sila na lang mag-apply sa akin.
  7. At ang higit sa lahat… Torpe ako.

Siguro naman malinaw na kung bakit VSB at USB pa rin ako hanggang ngayon. Kung hindi pa rin reliable at questionable pa rin ang mga yan, wala na akong magagawa. Hindi naman kailangang ako’y paniwalaan, kasi kahit ako di na rin naniniwala sa sarili ko. Duda na nga rin ako kung virgin pa nga ba talaga ako.

Ang hirap talagang maging gwapo, maraming di naniniwala.

Ano? Nilipad ba kayo ng utut… este hangin ko o nalunod na ng uhog ko?