THE Day Arrived

Ang araw na ito ay napakahalaga para sa akin. Bukod na napakainit sa labas ngayon, Baclaran Day at nagdiriwang ang aming bayanan sa kapistahan ni Juan Nepomuceno, ay may iba pa akong ipinagdiriwang ngayon. Ipinagdiriwang ko ngayon ang aking ika-17… este 24 na kaarawan. Yap, you got it right, 24 na ako ngayong ika-16 ng Mayo. Since eyspeysyal nga ang araw na ito, ishe-share ko na lang ang ilang bagay tungkol sa araw na ito.

The Origin of Billycoy

Gabi noon nang magsabong ang pag-ibig at kalibugan ng dalawang nilalang na nagbigay ng buhay sa isang inosente na nagpakabondat sa loob ng fallopiana de tuba ng kanyang ina. Lumipas ang siyam na buwan, ika-16 ng Mayo ng taong 1983, pista sa kanilang bayan, sa isang ospital ng Makati naka-sked na lumabas ang inosente at mangmang na musmus sa sinapupunan. Biniyak na ang tiyan upang makalabas na ang napakalaki at malusog na musmus na di mo aakalaing magkakasya sa sinapupunan ng kanyang ina. Lumabas na ang produkto ng pagmamahalan at kalibugan… at ako yun.

Sikat noong mga panahong yun sa PBA ang import na si Billy Ray Bates. Kaya naman napili ng mga magulang kong ilapit ang pangalan ko sa kanya. Ngunit ayaw nilang maging eksaktong katulad ang pangalan ko sa kinikilalang import. Kaya naisipan nilang gawing Billy Boy na lang ang pangalan ko. Ngunit noong ipaparehistro na ang aking pangalan sa NSO, dumulas ang mga daliri ng eng-eng na registrar ng NSO sa typewriter. Kung kaya’t sa halip na Billy Boy ang matipa, naging Billy Coy tuloy. Hindi naman ito napansin ng aking ama — dahil siya ang nagparehistro — kaya’t nalaman na lang namin ang pagkakamaling ito noong magtatapos na ako ng high school.

Two in One

Bukod kina Pierce Brosnan, Janet Jackson at David Boreanaz na kasabay ng aking kaarawan, ipinagdiriwang din ang kapistahan ng aming munting bayan sa Pasay. Kaya naman noong kabataan ko saan man ako magpunta ay sinusundan lagi ako ng banda, kahit bumili lang ako sa tindahan ni Aling Kepya na tatlong bahay lang ang layo sa amin. Imbis na bodyguard ang madalas kong kasama ay mga unipormadong mga banda at nag-iingayang mga tambol at torotot ang mga kasama ko. Hindi rin ako natuwa noon kasi pupunta lang ako sa likod-bahay para lang makipaglaro sa mga kababata ko ay hayan na naman sila at mag-iingay na parang akala mo fiesta na lang parati.

Noong medyo nagkaedad naman na ako hindi naman na ako sinusundan ng banda. Nalaman ko rin na ang ibig sabihin pala ng pangalan kong Billycoy ay “anak ng Fiesta”. Wala namang language akong pinagbatayan ng aking kakaibang pangalan kagaya ng Latin, French, Chinese o dayalekto man ng mga dikya. Wala naman sigurong masama kung bigyan ko ng meaning ang pangalan ko, may aangal ba? At dahil kasabay ko nga ang kapistahan, nakakalibre na ako ng handa kasi dinadala ko na lang ang mga bisita ko sa Hermana Mayor para dun na magkainan at magdiwang.

Birthday ko ngayon, kahit isang beses yata wala pang juwawhoopers na bumati o pumunta man lang ng bahay para ipagdiwang namin ito at magpaputok pagsapit ng gabi. Darating din yun, wait ko lang. Pero sa ngayon, hinihintay ko na lang ang mga regalo sa akin. Yung merong sizzling hot girlfriend sa loob ng malaking birthday cake. O kaya naman bigyan nyo na lang ako ng sex toy… yung vibrating pussy. Seryoso!