Hopelessly Addicted to You

Nag-tag sa akin si Jhed. Kung hindi niyo napapapansin hindi po talaga ako sumasagot ng mga tags. Sa friendster lang kasi ako sumasagot ng tags, yung mga survey sa bulletin board. Nakakasawa rin kasi, kadalasan umuulit tapos karamihan naman ng tanong doon pwedeng ilagay sa profile. Dahil ako’y dakila at merciful na nilalang kung kaya’t napagbigyan ko siya. Saka gusto ko yung tema ng meme na ito. Langya nga lang, hinaluan pa ng math ang tag na ito, sumpain ang Math! Ang tag na ito ang kauna-unahan at kahuli-hulihang sasagutan ko. Sungit ko ‘no? Interesting din naman kasing sagutan at challenging, kaya here we go.

Rules:
1. Write about how much addicted you are towards something.
2. Don’t forget to include the percentage of ‘addictedness’ towards that thing.
3. All with one condition.. the total percentage must reach 100%.
4. You MUST tag others and continue tagging but please don’t forget to explain the rules and please notify that person so that they know they had been tagged.

37.62% Music Addict
Hindi ako mabubuhay sa isang araw na walang musikang naririnig. Hindi rin ako nakakapagtrabaho ng walang music. Kahit anong genre pa yan pinapakinggan ko, mula sa malamyos na tinig ng mga ballad hanggang sa mga paos at malapot na plemang nakakapit sa mga boses ng mga rakistang heavy metal bands. Mahina nga lang ako sa lyrics. Wag lang akong paparinggan ng mga kanta ng Cueshé (Kwe-shei), Lito Camo, at mga buybands dahil ako’y magwawala, mangmamasaker at tadtarin ang mga DJ ng StarFM, Love Radio at iba pang DJ’s na nagpapatugtug ng mga bakya at nakakabobong tugtugin.

26.2538% Movie Enthusiast
Mahilig talaga ako… sa movies. Kung iniisip niyong porn movies lang ang hilig ko… tama kayo… este mali kayo. Isa akong subconscious movie critic, kadalasan nga binabasa ko muna ang review or ratings ng mga critics bago ako manood ng sine. Ayaw ko kasing manghinayang sa ipangbibili ko ng ticket. Salamat sa HBO, Star Movies at mga pirated DVD’s dahil napapanood ko ang mga di ko masyadong trip o yung mga gusto kong ulitin doon. Pero suggestion lang, kung alam niyong crappy, basura at walang katorya-torya ang papanoorin niyong movie, mas mabuting manood na lang kayo ng porn, wala silang pinagkaiba… yun nga lang mas nakaka-arouse ang porn.

22.329% Fashion Freak
Fashion conscious ako, pero di naman ultimately fashionista o ano. Sa paglalakad nga lang, aakalain mong may kaaway ako o ginagawa kong catwalk ang mga sidewalk, kalsada at ang mga pedestrian lane. Pati mga paghinto ko talagang laging strike-a-pose kulang na lang camera para kuhanan ako. Mga kilos ko rin picture perfect palagi, sasandal lang sa pader pwede ng ilagay sa mga poster ng Guess at Levi’s.

8.168% Blogging Blogger
Hindi ba halata? Ganyan lang kasi ang buhay ng walang magawa at ng walang juwawhoopers sa buhay, ang magsulat ng walang kakwenta-kwentang mga bagay-bagay sa mga buhay-buhay. Nakakatuwa kasi ang pagsusulat, marami akong buhay na nasisira at natuturuan ng masamang impluwensiya.

5.4292% Kulangotero
Since palagi akong sinisipon, kapag pagaling naman na ito nagiging kulangot na. At syempre ang kulangot lalo kung malalaki, nakakailang ang pakiramdam sa loob ng mga nostrils. Ang pinakamadaling gawin, ay ang mga daliring sakto lamang sa butas ng ilong para matanggal ang mga nakabara at naglalakihang mga nyangot. Don’t worry kung makikipagkamay kayo sa akin, lagi naman akong naghuhugas ng kamay saka di ko naman ginagawa in public… minsan lang, sa dilim.

0.2% Sexually Inclined
Maliit na bahagdan lang ang sex sa aking addiction. Una sa lahat wala naman akong kapopoy para maranasan ang bagay na ito. Isa akong banal na nilalang pero hindi naman ibig sabihin wala na ang sex sa aking isipan. Meron din naman kahit kaunti lang. Wholesome akong nilalang, pero siyempre dapat may maliit na sexual inclination din naman.

Hayan natapos rin ako sa tag ko tungkol sa mga kinaaadikan kong mga bagay-bagay. Actually marami pa akong mga kinaaadikang bagay at gawain, baka kasi sa isang taon pa matapos ang pagbabasa niyo kapag isinulat ko ang lahat ng mga iyon. Makapag-tag na nga lang ng ibang nilalang para makabawi naman saka masimulan ko na itong pagsinghot ng asukal.

Heto ang mga gagaguhin at ita-tag ko:

  1. The Singing Sensation Ron: kironobu.blogspot.com
  2. John Lloyd Clone (daw) Joe: sephthedreamer.blogspot.com
  3. Birthday Boy Today Arnel: loverboyparadigms.blogspot.com

Alamin niyo rin mga pinagkakahumalingan ng mga nilalang na yan.

———————————————–

Anyway, pwede niyo ng i-update ang mga link niyo pwede ng gamitin ang http://www.billycoy.co.nr para i-redirect sa blog kong ito… or pwede ring hindi na kasi nagagamit pa naman yung dati kong URL. Kung saan kayo masaya suportahan ko kayo.